Views

Chapters 5&6: The Shining Stars

0

 

~ Chapter 5 ~

 Denisse' POV

Nandito kami sa practice room at katatapos lang ng practice hours. Nakapabilog lang kami at umiinom... ng tubig po. Hindi parin bumabalik si Precious. Hindi namin alam kung hindi lang talaga tapos o baka nagliwaliw lang yun sa labas, o baka... natulog. Walang imposible.

 "Ang cute pala ni Puroro noh?" Sabi ni Anette habang hawak yung stuff toy na puroro which is dala ko. Para inspiration 'diba? Alam niyo namang hindi ako mabubuhay kapag wala ang puroro na iyan sa tabi ko. Siya ang source of strength ko.

 "Syempre naman noh! Wala ng tatalo kay puroro." Pagsang-ayon ko naman sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh! Napatigil na lang ako dahil sa biglang pagsabat ni Marisol na katabi na rin pala namin, hindi ko man lang napansin.

 "Mas cute kaya si Pikachu diyan oh," kontra ni Marisol sabay pakita ng stuff toy na pikachu. Kung source of strength ko si Puroro, si Marisol naman ay si Pikachu ang source of energy. Kaya nga madalas nababaliw siya dahil nahahawa siya sa Pikachu niya!

 "Tama, mas maganda yung pikachu," pagsang-ayon naman ni Kate kay Marisol. Luh! Anong cute kay Pikachu? Mas cute kaya si Puroro!

 "Sa tingin ko si Puroro," sabi ni Anette. Haha! May karamay ako.

 "Tama! Si Puroro nga," sabi ko hanggang sa nagtalo talo na kami.  Madalas na naman kaming ganito eh. Natatawa na lang yung iba saming apat, pero diba mas cute si puroro?

"Pansin ko kayong dalawa ni Marisol ang pinakaclose sa inyong apat," sabi ni Stephen na nasa tabi ko, sabi ko naman sa inyo close kami! Okay, walang nagtatanong. Hindi parin kami tapos sa bangayan namin pero medyo humupa na naman siya.

 "Oo naman, simula pagkabata magkakilala na ata kaming dalawa. Magkadikit na nga ata mga butchi naming dalawa," sagot ko, tapos na kasi ako makipagtalo kung sino mas cute, si puroro o pikachu. Syempre nanalo si Puroro. Mas cute naman kasi talaga siya!

 "I see, pero ang layo ng ugali mo sa ugali niya." Sabi niya, napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Parang kakaiba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya a?

 "Paano mo naman nasabi?" Tanong ko.

 "Hmm, you see, siya tahimik, palaging nakangiti, magaling sumayaw, maggitara, sexy, maganda. Hahaha!" Ang cute pala ng nilalang na 'to tumawa noh? Dapat lagi na lang siyang tumawa. Pero kahit na cute siya tumawa binatukan ko parin siya dahil iniinsulto niya 'ko!

 "Parang sinabi mong hindi ako tahimik, palaging nakangiti, magaling maggitara, sexy at maganda a!"

 "Joke lang yun, pero bakit nawala yung magaling sumayaw?" Confuse na tanong niya. Ito ang pinakaiiwasan kong tanong sa lahat eh!

 "Dahil aaminin ko wala talaga akong talent sa pagsayaw eh," nahihiyang sabi ko, sa kanya ko pa nasabi magaling pa naman sumayaw ang isang 'to.

 "Alam mo, hindi naman kasi pwedeng magaling ka na kumanta, magaling ka pa sumayaw, maggitara, maganda, sexy." Binatukan ko ulit siya. "Aray! Bakit?" Tanong niya. Napangiwi na lang tuloy ako.

"Tama na nga yang sexy maganda na yan," nagpout ako sa kanya. Nakaka...

"Ano bang mali dun?" Bigla naman siyang natawa dahil dun kaya pinaghahampas ko siya sa braso niyang well defined. "Aray! Sorry na, biro lang yun... aray!"  Tinigil ko na ang paghampas at tumayo. Mabilis kasi akong maasar!

 "Bahala ka na diyan," sabi ko pero hinila niya ko ulit paupo kaya napasaldak ako sa upuan. Sakit nun ah! "Aray! Kasi naman bakit mo ko hinila?" Nakakainis 'tong isang 'to! Kung hindi lang talaga siya gwapo nangudngod ko na mukha nito sa sahig.

 "Sorry!" Paghingi niya ng tawad kaya wala na akong nagawa kundi ang patawarin siya. Wala na akong choice e! Siya ba namang magpout at mag-aegyo sa harap mo, hindi mo pa makuhang mapatawad 'to!

"Kwento ka naman." Singit naman niyang bigla. Bigla kasing natahimik ang lahat pati na sina Sol na may sari sarili ng ginagawa. Si Anette ay kumakain kasama ang mga lalaki at si Kate habang si Sol naman ay computer ang kaharap. Si Precious? Malay!

"Ano naman ikwento ko?" Tanong ko at nahiga sa likod niya. Magkatalikuran na kasi kami sa isa't isa, nakahiga ako sa likod niya nakahiga din siya sa likod ko. Hindi naman masyadong nakakangawit pero ayos lang. Siya nagsimula e kaya ginaya ko lang din siya.

"Tungkol sa'yo, nung bata ka pa," sabi niya. Napangiti naman ako ng maalala ko nung mga bata pa kami ni Marisol. Magkaibigan nga kami simula pa noon diba?

Years ago...

Nandito kami sa favorite place namin ni Marisol, ang York New Tower. Suki na ata kaming dalawa dito at lagi kami kumakain dito. Isa pa ay malapit lang kasi ito sa bahay namin kaya hindi na namin kailangan gumastos sa pamasahe.

 "Denisse, nakikita mo yang pinakamalaking star na yan?" Tanong ni Marisol sakin sabay turo sa mga bituin sa langit. "Paglaki ko magiging ganyan din ako. I will shine as the brightest star of all," dagdag pa niya.

"Talaga? Sige hihintayin ko ang bagay na yan, tutulungan kita sa pag abot niyan," sabi ko sa kanya.

"Talaga?" Tumingin siya sakin ng nakangiti.

"Ou naman noh! Syempre kaibigan mo ko."

"Promise?" Pinakita niya akin ang pinky finger niya at kinuha ko yun gamit din ang pinky finger ko. Kahit na sa tingin ko ay mukhang pambata ang pinky finers na ito ay ginawa ko parin. Ito na rin ang pledge na gagawin ko para mangako sa kaniya.

"Promise." Tumingin ulit kami sa langit.

"May tanong ako sayo Marisol?" Sabi ko sa kanya. 'Hmm' lang ang sagot niya pero naintindihan ko.

"Anong gagawin mo kung magkaron tayo ng parehong crush?" Bigla na lang kasing pumasok sa utak ko yan. Gusto kong malaman kung anong nasa isip niya kung sakaling dumating ang araw na 'yun. Hindi naman kasi malayong mangyari iyon dahil pareho lang kami ng nakakasalamuha sa araw araw.

 "Hm, isa lang ang naisip ko Denisse," tumingin naman ako sa kanya at naghihintay ng sagot. "Ipapaubaya ko siya sayo," nakangiti niyang sagot. Hindi ko naitago sa kaniya ang gulat na reaksyon ko pero nakita kong ngumiti siya. Seryoso siya? Napangiti din ako sa sagot niya, hindi ko alam na ganun ang isasagot niya sakin. Siguro I'm really lucky to have a best friend like her.

Kinabukasan sa bahay...

 "Denisse!!!" Halos madapa na ako kakatakbo makapunta lang sa kwarto ni Marisol. Nandito kasi ako sa bahay nila nakikitambay. Ang ganda ganda ng higa ko sa sofa nila sa baba tapos bigla bigla na lang siyang sumigaw. Akala ko naman may magnanakaw na pumasok!

Wala naman atang mananakaw sa kwarto niya kundi mga posters ng mga idolo naming dalawa. Haha! Pero sabagay, baka nga doon siya nagfreak out. Haha!

 "Bakit? Bakit, anong nangyare?" Natatarantang taong ko sa kaniya at medyo hinihingal pa sa katatakbo. Nakita ko naman siyang parang excited na nagtatatalon sa harap ng computer niya.

 "Lumapit ka dito dali!!!" Halos mabingaw ako sa tinis ng boses niya. Daig pa niya nakakain ng ipis. Mas mataas na sa boses ni Ariana Grande. Naupo naman ako sa tabi niya at pinakita yung post. Bata pa lang talaga si Marisol, internet adict na yan.

 "Ano ba kasi yan?" Tanong ko sa kanya.

StarEntertainment commented on yout Video on youtube.

Ni-click na niya yun at sabay naming binasa... "Good day to both of you, I saw your Video days ago and got interested with it, if you have a time to video chat don't hesitate to tell us."

 "Kyaaah!" Napatili kami at nagtatalon sa kama. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ngayon. Para kaming nanalo sa lotto na dalawa! Nagtatatalon kami nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Marisol.

"Anong nangyare, okay lang ba kayo Marisol at Denisse?" Tanong ng mama ni Marisol na tulad ko kanina ay nataranta rin dahil sa lakas naming sumigaw... tumili pala.

 "Okay lang po kami mama, pero you won't believe this thing," sabay pakita namin ng message sa kaniya. Syempre, nanay siya ni Sol at tita ko siya. Ano pa bang inaasahan ninyong magiging reaksyon niya?

 "Kyaaah!" Nakisabay na din siya ng tili naming dalawa.

Matagal na kami nagpost ni Marisol ng mga Cover namin sa youtube. Nung una for fun lang pero hindi nagtagal nagdecide kami na ikalat hindi lang sa youtube. Puro kasi kami kalokohan noon palang. We posted it on other sites like Facebook, Twitter and Even made our own website. Hindi naman namin alam na ganito ang aabutin namin.

We already got 3Million views on youtube of our latest cover entitled 'Closer'. Yung theme song ng TTBY?

We contacted them at pinagawa kami ulit ng cover. Nagtanong din sila samin like kung ilan taon na kami, pinadala ang picture namin na walang filter at walang suot na make up. Hindi nagtagal nagkaroon ng appointment to meet them tapos nagtuloy tuloy na.

Napakasaya namin ni Marisol dahil hindi magtatagal ay sisikat na kami. Hindi din namin expected na star Entertainment ang makakatuklas samin. Famous entertainment kasi yun at kaunti lang handle nila hindi dahil poor sila kundi dahil hasang hasa lang ang mga kasali dun at nakakapasok sa entertainment na yan.

Isa sa '5 Magic Directors' ang may handle nun kaya naman siguradong mahahasa ang talent ng bawat members pati bawat Trainee. At hindi dahil trainee ka na sa kanila ay sigurado na ang pagpasok mo sa music industry dahil may mga kailangan ka pang paghirapan. The 5 magic Directors are none other than our best friends... sina Xy!

(Note: Xy is one of the characters in Book 1.)

*****

 "I heard something about the two of you pero I'm not interested," sabi niya pagkatapos ko magkwento. Hinampas ko ulit siya sa braso na sa tingin ko ay namumula na ngayon.

 "Ang sama mo. Not interested pala ah?"

 "Totoo naman eh pero hindi ko alam na makakasama ko pala kayo."

 "Pati naman ako hindi ko expected na makikilala kita eh. Ayiieeee! Destiny," sagot ko sabay tawa namin pareho. Sa totoo lang hindi na kami gaano nagkakausap ni Marisol simula nung naging trainee kami at nakasama namin 'yung iba.

Dahil puro asaran lang kami at text sa phone, kahit nasa isang room lang nga kami nagtetext pa kami eh. Para raw tipid sa laway. Haha!

Sa bahay kasi 8 rooms lang kaya yung iba magkakasama sa room, si Precious mag-isa lang yan, si Anette at Kate, Ako at Marisol at ewan ko na lang sa boys.

 "Stephen, may kasama ka ba sa kwarto mo?" Tanong ko. Curious lang din ako kung anong itsura ng kwarto nila. Hindi pa naman kasi kami nakakapasok at bawal talaga.

 "Bakit, gusto mo ikaw na lang? Aray!" Nakakainis. Kung pwede ko lang sabihing syempre naman pero syempre joke lang yun. As if namang magagawa ko!

 "Seryoso kasi!"

 "Seryoso naman ako ah?" Tinignan ko siya. Oo nga seryoso siya, kaya naman hinampas ko ulit siya sa braso. This time 'yung pinakamalakas na hampas na na kaya ko.

 "Seryoso ba yan, nagpipigil ng tawa?" Oo, nakalobo pa nga yung pisngi niya na parang may hangin sa loob tapos nung hinampas ko siya pigla na lang natawa.

 "Oo na nga seryoso wala akong kasama sa room. Bakit? Gusto mo ikaw na lang sumama sakin?" Tanong niya, for the nth time hinampas ko ulit siya.

Ganito lang kami palagi pero ewan ko naiinis siya kapag iba na ang naglalambing este nanggugulo sa buhay niya.

Ganun din kasi ako sa kanya dati, kinukulit ko siya habang siya naman tinataboy ako in a gentle way pero nagbago yun dahil nasanay na daw siya sa kakulitan ko. Nahawa pa nga daw ata siya eh!

Kasalanan ko ba? Na malakas ang virus ko? Kakulitan Virus!

~Chapter 6 ~ 

 Precious' POV

Kakarating lang namin sa building na pagpo-promote-an ko raw. Mukhang mapapasubo ang pag-english ko rito ah.

Hindi naman sa hindi ako sanay pero nag-eenglish lang naman kasi ako sa school. Syempre kailangan 'yon lalo na kapag english ang subject niyo.

Ngayon naman kahit wala sa school kailangan ko galingan. Hindi ko pa nasusubukan ulit matapos ang ilang taon na nagt-training kuno ako kasama si Leo.

"Here Precious, ito yung kakabisaduhin mo."

Pinakita naman niya sakin yung papel. Hoo! Akala ko pa naman sariling sikap ang peg ko! Buti na lang hindi. Yung tipong ako rin ang magco-constract ng sasabihin ko? Buti na lang at kabisaduhan lang.

Hindi naman ako naging valedictorian kung pagkakabisado lang hindi ko kaya 'no!

Kinabisado ko iyon kahit labag sa loob ko. Aba! Ang haba naman kasi eh!

"In 10 minutes magsisimula na," napa-what the F na lang ako sa sinabi niyang yun.

Seriously? Agad agad? Bahala na, ako nalang ang bahala mamaya madali na naman. Basahin ko na lang lahat baka may mastuck.

Kasalukuyan na akong nasa harap ng mga cameras at sila na lang ang hinihintay ko. Pagdating ko tapos na rin sila dahil medyo nalate ako ng dating.

After 10 minutes...

"Precious get ready, in 5, 4, 3, 2, 1..." Nagbukas na yung mga ilaw kaya naman tumingin na ako sa camera sa harap.

"Good Morning to everyone. I'm Precious Seo of the girl group of star entertainment," pagsisimula ko. This is easy! Kaya lang hindi easy sa'kin ang pagngiti.

"We are inviting you to our double debut together with Hot7..."

Nagulat ako ng sabihin nilang 'cut' bigla pagkatapos ng sinasabi ko. Napakunot ang noo ko dahil doon. Ang dami ko pang sasabihin tapos cut agad!

"Bakit naman ngayon mo lang sinabi? Sige, sino ba?" Inis na sabi nung producer namin. Nakita ko naman si Manager Min na manager ng Hot7.

"Si Mark ang napili ko dahil siya naman ang image ng grupo," pinatabi na siya sa 'kin at nginitian niya naman ako, nagnod lang ako sa kanya.

Mukhang alam ko na, promotion din naman kasi ito ng Hot7 kaya dapat lang na may representative din sila.

"Okay, alam mo na naman ang sasabihin mo, 'diba?" Tumango lang si Mark.

Naglakad naman siya palapit sa 'kin at binati ako. Ganoon din ang ginawa ko at tinignan na ang mga camera. Hindi naman nagtagal ay nagsimula na rin kami.

"So start in 3, 2, 1..."

"I'm Mark No of Hot7," sabi niya.

"And I'm Precious Seo of 5lous." Tinuloy ko lang ang sinabi ko kanina tapos siya naman.

"Kamsahamnida (Thank you)" Sabay naming sabi then, "Cut ..." Nagpalakpakan naman sila at ganun din kami ni Mark.

"Grabe, natense ako nung una pero okay naman, 'diba?" Tanong ni Mark.

"Oo, para ngang hindi ka na kinabahan eh," sabi ko.

Sa kaunting panahon na magkakasama kami sa bahay, si Mark lang ang nakatagal sa ugali ko.

I mean, siya lang yung nagtagal na kausap ako sa kabila ng pagiging snobera ko pero hindi naman ako naiinis sa kanya.

Okay nga yun eh, kahit papaano may kaclose akong tao na kasama ko sa bahay.

Nagliligpit na yung iba habang kami napagpasyahan naming kumain muna sa labas.

"Saan tayo ngayon?" Tanong niya.

"Doon ulit sa dati." Kung tinatanong niyo man, lagi kaming lumalabas ni Mark.

Friendly date nga sabi niya dahil ayaw niya magpasama sa mga kamember niya. Lagi daw siya nauuto. Hindi ko alam kung paanong uto ang ibig niyang sabihin.

At syempre dahil ngayon din ilalabas ang promoting kailangan na namin ng disguise, naks!

Bumili kami ng ube at chocolate shake sa Shake Store pam palamig, kahit ang lamig na. Masarap kasi pag pinaghalo yung dalawang flavor eh.

"Tara, window shopping tayo?" Tanong ni Mark. Ayan na naman siya.

"Window shopping lang ah?" Tanong ko.

Kasi naman nung last na sabi niya Window shopping, aba at hinakot ang mga sumbrero at T-shirt ng mall?

"Haha, Oo na po titingin lang. Saka isa pa ano pa ba hindi ko nabibili?" Natawa na lang ako sa sinabi niyang yun. "Tumatawa ka naman pala, lagi kang tatawa sa iba para hindi napagkakamalang nag-memenopause."

Sinimangutan ko naman siya, menopause talaga dapat? Hinatak niya yung pisngi ko para ma form ng isang smile.

"Smile kako hindi simangot." Ewan ko pero parang may paru paro sa tiyan ko ng time na yun, hindi ko na lang pinansin. Ngumiti na lang ako sa kanya. Baka madagdagan ang wrinkles ko kapag hindi ako ngumiti.

Tulad ng sabi niya nag window shopping kaming dalawa. Pinipilit niya nga sa 'kin yung dress na nakita namin, bagay daw sa 'kin. Kutusan ko kaya siya?

Hindi ko maimagine ang sarili kong nakasuot ng dress lalo na ang palda. Puro 'ko maong shorts na fit o kaya naman pants na fit tapos sando at T-shirt lang ang trip ko pang itaas.

"Tigilan mo nga ako Mark, hindi ako nagsusuot ng ganyan 'noh." Sabay balik nung damit.

"Tara na lang dun sa mga sumbrero!" Don't tell me... "Titingin lang talaga hindi bibili." Hay! Hayaan na nga po ang bata.

"Tara!"

Para naman siyang batang tumatalon talon pa. Pinagtitinginan na nga siya dahil na din sa disguise namin. Para akong nagaalaga ng bata.

"Ikaw try mo 'to," tapos sinuot sa 'kin yung partner ni stitch na sumbrero, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Suot naman niya yung si Stitch.

"Tara, picture muna tayo!" Nag kung anu anong pose naman kami sa harap ng salamin.

Wacky lang madalas tapos iba ibang sumbrero ang nagpagtripan namin. Tinignan ko naman yung mga kuha niya at natawa.

"Para tayong baliw," Sabi ko sa kanya.

"Anong tayo? Baka ikaw lang, mandamay ka pa." Kumuha ako ng isang sumbrero at hinampas siya sa ulo, sinuot ko sa ulo niya at tinali, yung tipong masasakal na siya. "Ack~"

"Ayan ang sa 'yo. Bahala ka na riyan," sabi ko na lang at naglakad na paalis.

Malamang sinundan niya ako dahil may lahi 'yang buntot. Buntot ng tuta, syempre ako yung tuta. Ayoko ng aso.

"Joke lang yun!" Sinabayan niya ako sa paglalakad at parang may mali.

"Si Mark at Precious, tara sundan natin!" Kaya no choice kami kundi ang..."Takbo!"

Hinila pa nga ako ni Mark papuntang likod ng mall. Kasi exit tiyaka malayo kami sa entrance which is may exit. Nakakalito 'noh?

Sakto namang puro bakal yung dadaanan namin so mala-spiderman ang peg namin, siya sa kanan ako sa kaliwa.

Pagkaakyat sa taas nag tumbling na pababa hinawakan ni Mark yung kamay ko then takbo...

"Napagod ako roon!" Sabi ni Mark habang umiinom ng shake na binili namin.

Nakaupo lang kami sa isang stall na nagtitinda nung parang isa na nasa stick, hindi ko alam yung tawag eh.

"Para kong sumali sa marathon nito," sabi ko at tumabi sa kanya. Medyo madilim na din pala. "Hindi pala tayo nag-lunch 'noh?"

"Oo nga, kaya pala ang sakit na ng tiyan ko." Natawa na lang kami ng biglang magsalita yung nagtitinda.

"Iho, iha. Kayo ba si Mark at Precious?" Nagkatinginan kami ni Mark sabay tango.

"Opo, kami nga." Sabi namin.

"Ang ganda at gwapo niyo naman talaga sa personal, pwede ba mahingi ang autograph ninyo? Idol kasi kayo ng apo ko."

"Oo naman po." Pinakita niya yung poster namin ni Mark. Nalimutan kong sabihin sa inyo na model kami ng damit ni Mark.

Hindi naman yung mga damit na revealing pero yung damit na minsan sports, minsan naman casual lang. Isa lang din 'to sa pinagkakaabalahan naming dalawa.

"Salamat, sigurado akong matutuwa ang apo ko nito." Sabi niya at ngumiti ng malungkot.

"Nasaan po ba ang apo ninyo, baka pwede naming siyang makita?" Si Mark ang nagsabi niyan . Hindi ako pero okay na rin yun sa 'kin.

"Hay~ Nasa hospital siya, palala ng palala yung sakit niya." Naiiyak na sabi ni Lola, siya na lang ang nagtitinda para sa apo niya dahil wala na yung anak niya na magulang ng apo niya =.= ganun din yun.

"Ah ganun po ba, hayaan niyo po 'pag hindi na kami busy ni Precious dadalawin namin siya." Napangiti na lang si lola dahil dun sa sinabi niya.

Nagkakwentuhan pa kami ng matagal hanggang sa maalala ko na iniintay nga pala kami sa dorm este sa bahay pala.

"Mauna na po kami lola, baka nag aalala na yung iba sa 'min." Sabi ko na lang. Nagpaalam na kami sa isa't isa at kami naman ni Mark naglakad na.

Hindi na kailangan ng disguise dahil madilim na naman at wala ng makakakilala sa 'ming dalawa.

Noong una ay asar na asar pa ako kay Mark. Ang kulit niya kasi.

Hanggang bahay ba naman kulit kulitin ka hindi ka pa masanay? Ganyan lang kami madalas na dalawa kaya pwede ko ng sabihing close na kami.

Hindi naman talaga sa hindi ako friendly na tao, ayoko lang talaga sa sobrang nakakairita dahil mabilis mamumuti ang buhok ko.

Sa ngayon, sa tingin ko naman magiging payapa ang pagtira ko rito.

Post a Comment

0 Comments
Post a Comment (0)
To Top