Chapter 5:
Desidido si Danica na tumakas as soon as she can. Kailangan niyang patunayan ang sarili sa taong nagtiwala sa kaniya. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung mabibigo siya sa kaniyang misyon. Aminado siya na ang ginagawa niya ngayon ay hindi trabaho lang kundi personalan talaga para sa kaniya, kaya lahat ay gagawin niya makatakas lang sa lalaki.
Dahan-dahan niyang nilapitan ang lalaki na nakaupo sa sofa, nakapikit ang mga mata. Inoobserbahan niya itong mabuti kung nakapikit lang ba ito o kaya’y tulog na tulog na.
“Kung may balak kang gahasain ako, ‘wag mo nang ituloy,” biglang imik ng lalaki na unti-unting nagmulat ng mga mata na siyang ikinagulat ni Danica.
“A-ano?! Masaya ka!”
“Ibig sabihin, wala kang gusto sa akin?”
“Wala, no! Feeling guwapo ka naman!” Nag-isip pa ang babae na mga salitang ipantataray niya upanga mapagtakpan ang katotohanang naguguwapuhan naman talaga siya sa binata.
“E, di kung ganu’n, tatakas ka?” Iwinasiwas ni William ang samurai na nakalapag dati sa tabi katabing mesita.
Napaurong na tila natakot na mahagip ng samurai ang dalaga. Agad siyang nakaisip ng palusot.
“Di ako makatulog,e. Medyo masakit ang tiyan ko. May warm water ba dito?”
Tila naniwala sa sinabi ng dalaga at bigla siyang nag-alala dito, “Ipag-iinit kita. Baka dahil iyan sa pagkakababad mo sa tubig. Hindi ka siguro sanay mababad sa tubig-tabang.”
“Siguro nga. Ngayon lang ako nakapaligo sa batis at nababad, baka nga nanibago ako.” Pinanindigan na niya ang white lie niya mapaniwala lang ang lalaki, though nagi-guilty siya sa nakikitang pag-aalala nito.
Natapos na niyang uminom ng maligamgam na tubig ay hindi pa rin siya nakahanap ng pagkakataong tumakas. Lagi kasing nakatingin sa kaniya si William, nag-aalala na baka magkasakit siya. Ayaw naman niyang bumalik sa loob ng kuwarto dahil wala rin siyang chance na makatakas doon. Nagkatitigan sila. Tila inaarok nila ang iniisip at nararamdaman ng isa’t isa. Si William ang tumapos sa eksenang iyon, napalunok na lang siya ng laway sa nararamdamang init ng katawan dulot ng presensiya ng babae.
“’Di ka pa ba matutulog? Kailangan mong magpahinga.” Humiga ito sa sofa at inilapag ang samurai sa may tiyan niya.
“’Di pa ako inaantok, e.” Umupo siya sa sofa. “Alam mo, nu’ng bata pa ako, may ginagawa ang daddy ko kapag ‘di ako makatulog.”
“Close ba kayo ng daddy mo?” Umupo si William sa tabi ng babae at inilapag ang samurai sa mesita. “Bakit ‘di mo siya tinawagan?”
“Close kami, close na close. Idol ko nga si daddy,e.”
“Alam ba ni Redentor kung saan nakatira ang parents mo? Bakit ‘di na lang tayo du’n pumunta kung hindi naman niya alam?”
Humigit ng hininga ang dalaga bago nagsalita, lumungkot ang boses nito. “Huwag na lang nating pag-usapan ang tungkol sa kanila. Hindi pa ako handing ipagtapat sa ‘yo ang lahat.”
Nakakita ng pag-asa ang lalaki na magkakasundo rin sila ni Danica at mapapasuko niya ito. Kailangan lang ay maipakita niya dito ang kaniyang pakikipagsimpatiya at magandang pakikitungo.
“Ano ba ang ginagawa ng ama mo para patulugin ka?” Sinsero siya sa tanong na iyon. Ibibigay niya kay Danica ang gusto nito umayon lang sa kaniya ang pagkakataon.
“Kinakantahan niya ako.”
“Hinehele ka?” Napaisip siya kung dapat ba niyang ipaghele ang babae gayung dalaga na ito.
“Oo.” The pause was intentional.
Nang hindi agad nakaimik si William ay lumungkot ang mukha ng babae. Hindi naman mapakali si William sa kinahantungan ng pagtatanong niya dito.
“Okey lang kung ayaw mo. Pasensiya ka na, nami-miss ko lang siguro si daddy. I guess it’s too much to ask from you.” Tumayo na siya para iwan ang lalaki.
“Hindi, okey lang. Patutulugin ka ng videoke king na ‘to. Uhurm!” Ibinuka na niya ang bibig para kumanta nang nakita niyang nagpipigil ng pagtawa ang babae.
Natatawang umayaw ang babae, “an’luma, videoke king! ‘Di ka ba nag-i-internet?”
“Pasensiya na, busy akong tao. Kailangan pa ba ng internet sa paghehele? ‘Di ba, sleep my darling, baby lang naman ang kanta nu’n?”
“Baby mo ba ako?” Ngumuso pa ito na cute ang naging dating kay William na ipinagbuntunghininga na lang ng lalaki.
“O, e, ano’ng gusto mong kantahin ko?”
“Ikaw,” pinaupo niya ng maayos ang lalaki sa tabi niya at hinintay na kantahan siya nito.
Dahil walang maisip na sikat na kanta ay gumawa na lang siya ng sarili niyang kanta sa tonong siya rin ang nagtagni-tagni. Halos pabulong dahil hinahagilap pa niya ang words at tono na pakakawalan para ihele ang babaing katabi.
“Saan ka man paroroon,
Pangarap may walang tugon,
Lagi mong tatandaan na
Ikaw ang aking prinsesa;
Sa ‘yong mga paglalakbay,
Ako ang ‘yong kasama.”
Ni sa hinagap ay hindi naisip ni William na mabubuo niya ang isang maiksing kanta nang ganu’n ganun lang. Napahanga naman niya ang babae. Umantig ito sa puso ni Danica. Natahimik ang dalawa. The pause was short dahil agad na binasag ng lalaki ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
“Puwede na ba ‘yon? Parang daddy na ba?”
“O-oo.”
Tumango-tango ang lalaki. Gusto na niyang itaboy ang babae para matulog na ito at nang matapos na ang pagtatalo ng damdamin niya ng mga sandaling iyon.
“Pero,…” hindi niya tiyak kung dapat pa ba niyang ituloy ang sasabihin niya, pero hindi niya alam kung paano huminto. “may iba pa siyang ginagawa habang kinakantahan niya ako.” She touched his hair. Hinagud-hagod niya ito.
Hindi pumalag si Danica nang pinahiga siya nito sa lap ng lalaki at muling kinantahan. This time, hinahagod na ng lalaki ang buhok ni Danica.
“Kung kailangan mong huminto
Puwede ka namang umupo,
Sumandal ka o tumayo
O humakbang ka palayo,
Lagi mo lamang tandaan
Ako ang ‘yong sumbungan.”
Totoong naantig ang puso ni Danica sa mga katagang namutawi kay William. Matagal na rin ang panahon na wala siyang naging sumbungan. Wala siyang napagtatapatan ng saloobin niya. Sinasarili na lang niya ang lahat. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang kahon na nasa gitna ng isang makapal na populasyon. Ngayon ay tila unti-unting nawawala ang kahon na ‘yon na nagiging barrier niya sa tinutuntungang mundo. Pakiramdam niya ay nagkakaunawaan ang mga puso nilang dalawa. Sayang nga lang at hindi niya ito puwedeng pagbigyan. Hindi ito ang priority niya. Ipinikit na lang niya ang mga mata upang kalimutan ang namumuong damdamin para sa binata.
Inakala naman ng binata na nakatulog na ang babae kaya hinayaan na lang niya ito. Napabuntunghininga siya. Gusto niya itong tulungan at iligtas. Alam niyang gusto rin itong patayin ng mga kasamahan nito. Umaasa siyang makikinig ito sa kaniya.
Tuluyang nakatulog si Danica habang ginagawang unan ang mga hita ni William. Tinalo rin ng antok ang lalaki. Nang maalimpungatan siya’y napatitig siya sa magandang mukha ng dalaga. Maamo ang itsura nito habang natutulog. Bagama’t medyo may bakas ng stress ay maaliwalas pa rin ang dating ng mukha ni Danica, at natutukso si William na muling hagkan ang mga labi nito. Isang mahinang buntonghininga ang pinakawalan ng binata. Bagama’t hindi niya alam kung hanggang kailan niya mapipigilan ang atraksiyon na nararamdaman niya sa babae ay alam niyang kailangan niya muna itong supilin. Habang tinititigan niya ang mukha ni Danica ay napapaisip siya kung hanggang sexual attraction nga lang ba ang nararamdaman niya para dito. Ang malinaw at parang pagkit na dumidikit sa isipan niya ay ang halikang naganap sa kanilang dalawa. Ang malambot na labi nito na nagdulot na masarap na sensasyon sa kaniya. Wala sa loob na dumantay ang daliri niya sa labi nito, dahilan kaya naalimpungatan si Danica.
“U-unh!”
“T-tulog ka lang, kakantahan kita.” Muli niyang hinaplus-haplos ang buhok nito. Hinagilap niya ang mga bibigkasing kanta.
“Tawagan mo ako kung nag-iisa
Sabihin mo sa akin ang nadarama
Sa gitna man ng bagyo, makikinig ako
Karamay mo ako sa tuwina.
Magpakailanman, asahan mo
Pagka’t ikaw ang aking prinsesa.”
Hindi na makatulog si Danica. Parang nasa langit ang pakiramdam niya. Hindi lang bumalik sa kaniyang alaala ang nakasanayang gawin sa kaniya ng kaniyang ama, ang nagpaalala pa nito ay ang lalaking minsan sa buhay niya ay inamin niyang siyang iniidolo niya.
Nang wala nang mahagilap na letra ay nag- hum na lang si William. Nagkunwari na lang din si Danica na muli siyang nakatulog. Ayaw niya munang matapos ang sandaling ito. Gusto niyang namnaming mabuti ang eksenang tila iisa sila ng damdamin ng binata. Bukas na lang siya tatakas. Pagbibigyan niya muna ang sarili ngayon.
Ipinangko ni William ang babae at inihiga sa kama. Napatitig siyang muli sa kagandahang nasa kaniyang harapan. Natutukso man, ayaw niyang pagsamantalahan ang kahinaan nito. Para kasing may malalim itong pinagdadaanan. Naniniwala siyang mabigat ang dahilan nito kung kaya’t napasok ito sa gun smuggling.
Nang maramdaman ni Danica ang papalayong mga yabag ni William ay palihim niya itong hinabol ng tingin. Humanga siya sa mala-Adonis na pigura nito habang nakatalikod papalayo sa kaniya. Hindi niya yata kayang saksakin ito sa likod. Mas gusto niya itong habulin ng yakap. Nanghihinayang siya na sa ganitong pagkakataon niya nakasama ang lalaki. Kailangan niyang ituloy ang nasimulan na niyang misyon.
CHAPTER 6:
Ayaw nang dalawin ng antok si Danica. Malalim ang iniisip niya. Sa nakikita niya kay William ay hindi na niya natitiyak kung tama pa ba ang ginagawa niya. Ayaw na sana niyang kalabanin ang lalaki at gusto na niyang ipagtapat dito ang lahat-lahat pero paano kung pinasasakay lang siya nito? Lumaki siya sa magulong mundo. Nakilala niya ang iba’t ibang mukha ng katrayduran mula ng isa pa lang siyang paslit.
Bumiling siya para tuluyan nang matulog. Siyang naging pagbabalik ng alaala ng kaniyang ama, habang pinapatulog siya nito. Nakatulugan niya ito. Naging masarap ang tulog ng dalaga. Napanaginipan niya ang mga pangyayari sa nakaraan, noong nakatira pa sila sa Amerika.
Habang pinapatulog silang magkapatid ng kanilang ama ay nagpaalam ang kanilang ina dahil night shift ito bilang nurse. Hinalikan silang magkapatid. Tulog na noon ang bunso niyang kapatid na si Daniel.
“Take care, mommy!”
“Yes, of course, baby.” Humalik ang ina niya sa kaniyang ama. “Paki-lock ng pinto, daddy.”
Sumunod ang kaniyang ama sa kaniyang ina para i- lock ang pinto nguni’t ilang sandal lang ay nakarinig si Danica ng commotion mula sa salas kasunod ang isang putol ng baril at ang paghiyaw ng kaniyang ina. Agad na bumangon si Danica para tingnan kung ano ang nangyari. Hindi pa man niya tuluyang nabubuksan ang pinto ay isang putok naman ang umalingawngaw. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kaniya ang patay na katawan ng ama na may tama ng baril sa ulo at ang naghihingalo niyang ina na may tama ng baril sa dibdib. Agad na nakasunod kay Danica ang nagising na kapatid.
Hinahabol ni Danica ang hininga nang magising sa panaginip na iyon. Kumunot ang kaniyang noo. Bagama’t gusto niyang mapanaginipan ang kaniyang mga mahal sa buhay pero hindi naman sa ganoong eksena. Gusto niyang ang laging mapanaginipan ay ang masasaya nilang pagsasama noong buhay pa ang mga ito.
Bumangon siya. Nilapitan niya ang tulog na tulog na lalaki sa sofa. Nakalapag sa mesita ang samurai nito. Dahil naiwang nakabukas ang bintana sa salas, inayos niya ang kumot sa katawan ni William. Wala siyang makitang baril. Tumayo siya sa may bintana. Halos wala siyang maaninag na bagay sa labas ng bahay dahil sa bumalot na karimlan. Mataman siyang nag-isip.
“Puwede mong i-share sa akin kung ano ang dahilan kung bakit ‘di ka makatulog. Siguro naman hindi lalaki iyan.” Inaantok man ay pinili niyang kausapin ang dalaga nang maalimpungatan siya nang maramdaman niya ang presensiya nito.
“Lalaki…” Humarap siya dito. Hindi na siya nagtaka kung bakit ito nagising. Matalas talaga ang pakiramdam ng lalaki.
“Asawa mo?” Umupo siya at humandang making sa isisiwalat ng babae. Handa siyang damayan ito sa kung anumang bumabagabag sa babae.
“Lalaki, si daddy at ang kapatid ko, si Daniel. At babae,… ang mommy ko.” Nag-umpisa nang mamuo ang mga luha ni Danica. She turned to hide her sorrow.
Nanatiling tahimik si William, hinihintay ang babae sa isusunod nitong sasabihin. Aaluin niya ito sa kung anumang sakit na dinaranas nito. Nang tumalikod sa kaniya si Danica ay nilapitan niya ito.
“Puwede naman tayong maging magkaibigan, kahit ngayon lang.”
Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ng babae bago nagsalita. “Hindi ko alam kung kaya kong makipagkaibigan sa isang katulad mo.”
Hindi agad nakaimik si William. He knew na may pinaghuhugutan ang babae sa mga sinasabi nito.
“Siguro nga’y hindi tayo magkakasundo. Sa totoo lang, ayokong magkunwaring magkaibigan tayo at paggising ko’y may nakaumang nang baril sa akin.”
Natawa ng hilaw si Danica. “A few minutes ago, parang handang-handa kang gawin akong kaibigan, now you’re telling me otherwise. “You can’t bear anyone who stands up to you.”
”Yes, I was ready. Pero sarado ka. Ang sa akin lang, nasa magkaibang panig nga tayo pero pareho naman tayong tao.”
She knew he’s right. Naisip niyang kailangan din naman niya ng makakausap. “Patay na silang lahat. Ako lang ang natira sa pamilya namin.”
Hindi iyon inasahan ni William. “Paano’ng nangyari?”
“Pinatay sila ng isang pulis at mga kasama nito.”
“Paano?... Kaya ba galit ka sa mga pulis?”
“Oo. Galit ako sa mga pulis na nagkukunwaring mabait pero gahaman pala sa pera! Mga scalawag!”
Hindi niya kayang tapatan ng galit ang umiiyak na babae. Hinayaan na lang niyang bumuhos ang emosyon nito. Ngayon ay tiyak na niya na malalim ang pinaghuhugutan ni Danica ng dahilan kung bakit ito napunta sa Silva Gang.
“Walang habas sila kung pumatay ng tao, para ano? Para lang sa pera!” Hindi na napigilan ni Danica ang umiyak. Hindi rin siya pumalag ng yakapin siya at aluin ng binata.
Magkaibigan sila ngayong gabi. Pero hindi niya kakalimutan na dapat managot ang mga taong katulad ng mga pumatay sa kaniyang pamilya.
Samantala, habang inaalo ang babae ay naghahanap ang binata ng mga sagot sa sitwasyong kinahantungan nilang dalawa. Ayaw niyang mapahamak ang dalaga bunsod ng galit nito. Naniniwala siya na hindi ito basta-basta makikinig sa kaniya. Pipilitin nitong makabalik sa kaniyang grupo. Pero alam niya na maaaring mapahamak ang babae kapag mangyari iyon.
Malalim na ang gabi ay malalim pa rin ang pag-iisip ng lalaki. Habang nakatulog naman ang dalaga sa kama dulot ng masidhi nitong pag-iyak. Dahil hindi mapalagay ay naglakad-lakad ang lalaki.
SA KABILANG BANDA ay nag-iinuman sina Redentor at Marlon sa isang club. Nasa kabilang mesa naman ang mga kasama nila.
“Hindi ako makapaniwala na ipapapatay mo rin si Danica.” Mababa ang boses ni Marlon, halatang iginagalang niya ang kausap.
“Nadala ako ng galit, e! Hindi mo naman agad sinabi sa akin na hindi siya ang tumulong du’n sa pulis.” Tila may pagsisisi sa boses ni Redentor.
“Nakasunod siya sa atin. Matinik lang talaga ang pulis na ‘yon. Saka bakit naman niya gagawin iyon?” Inaarok ni Marlon ang damdamin ng lider. Pinipigilan niya ang sarili na itanong ang bagay na gusto niya sanang malinawan.
Bumuntunghininga muna ang lalaki at tumawa ng pagak bago sumagot. “May nag-tip mula sa loob. May traydor sa grupo natin.”
Napamaang si Marlon sa narinig. “Si Danica ba?”
Umiling-iling ito at pinagmasdang mabuti ang dalang baril. “Malalaman ko rin ‘yan. Hindi siya sasantuhin ng baril ko, kahit sino pa siya!”
“Bakit hindi na lang sabihin ng contact mo?” Pinagmasdang mabuti ni Marlon ang hilatsa ng mukha ng mga kasama sa kabilang mesa. Iniisip niyang baka isa o dalawa sa mga naroroon ay nagkukunwari lang at “itinanim” ng kapulisan sa grupo nila. Pero batid niyang hindi malayong pati siya ay pinagdududahan na ngayon ni Redentor.
“Huwag kang mag-alala, sasabihin niya agad sa akin oras na malaman niya,” bagama’t nagtiim-bagang ay bakas sa mukha ni Redentor ang paniniwalang hindi maglalaon ay matutuklasan din niya kung sino ang traydor sa grupo niya.
“Sigurado ka ba sa contact mong iyan? Alalahanin mong malaking target na tayo ngayon.”
“Malaki ang ibinabayad ko sa kaniya kaya kailangang galingan niya. Huwag lang niya akong ilalaglag dahil hindi siya patatawarin ng bala ko!”
Hindi inaasahan ni Marlon ang sumunod na pangyayari. Iniumang ni Redentor ang baril nito sa sintido niya at hindi niya magawang kumalma sa ginawa n glider na itinuring na niyang malapit na kaibigan. “A-ano ba ‘yang ginagawa mo? Baka pumutok iyan!” Namutawi ang mga pawis ni Marlon sa katotohanang maaari siyang mamatay anumang sandali ngayon.
Pagak na tawa lang ang isinagot ni Redentor at iniumang naman nito ang baril sa mga kasama sa kabilang mesa. Labis na nahintakutan ang mga tauhan niya, halos mangalaglag ang mga ito sa upuan.
“B-boss!”
“Boss, huwag, boss!”
Pabulong na inawat ni Marlon ang nag-i-emosyonal na lider. “Tama na, boss! Maraming tao, baka mamukhaan ka pa.”
Likas na mapagduda si Redentor. Halos hindi nga nito tanggapin si Danica kahit na gusto nito at naaakit ito sa babae noong nakita nila ito sa isang bar. Sinusugan niya lang ng husto ang lider nila dahil gumaan agad ang kalooban niya sa babae.