Views

Married to a Bastard Billionaire

Cohen07
0

Chapter 3&4

Chapter 3

            
Alexa's Pov

          "Thanks a lot, Tommy." Sincere at nakangiting turan ko sa kanya. Kakatapos lang niyang i-discuss sa akin ang mga dapat ko pang malaman tungkol sa kompanya ni Lolo. Mabuti na lang mabait at sobrang pasensyoso itong si Tommy. Very efficient din na assistant. Kaya sa kanya ipinagkatiwala ni Lolo ang pagtuturo sa akin.

            "You're always welcome, Alex," nakangiting tugon ni Tommy sa akin. Kahit na sobrang hectic ng gawain niya sa kompanya nakakangiti pa rin siya. Nakakahawa ang good vibes na dala niya. "Basta kapag may gusto ka pa na malaman o may hindi ka maintindihan, don't hesitate to ask me, okay?" dagdag pa nito.

          "Are you sure? Ang dami mo na ngang ginagawa, dadagdagan ko pa!" nahihiya kong saad sa kanya.

         "It's okay. You're not a burden don't worry. I assure your grandfather that I will take care of you. Kaya hindi kita pababayaan pati ang company." I can feel his sincerity sa sinabi niya.

        "Ang swerte ni Lolo dahil ikaw ang assistant niya," I said to him smilling.

        "Mas maswerte ako dahil siya ang boss ko. Mr. Ariston Vasquez is the best boss I ever had. Pinagkatiwalaan niya ako at tinuruan sa maraming bagay. Kaya utang ko sa kanya ang lahat ng mayroon ako ngayon. That's why I'm giving him the loyalty and respect that he deserved. And because you are his granddaughter na sa'yo rin ang loyalty ko," mahabang litanya nito.

         "Salamat," lalo akong napangiti sa mga sinabi niya. "Mabait naman pala talaga si Lolo. Hindi lang sila nagkaroon ng pagkakataon na magkakilala ng maayos noon ni Mama. Sayang... Pero siguradong matutuwa na rin si Papa sa kabilang buhay. Dahil napatawad na siya ni Lolo. Hindi man sila nagkasama ulit bago siya mawala. And I promised na ako ang magpupuno sa pagkukulang ni Papa kay Lolo. I will take care of him. And I will protect him sa kahit na sinong magtatangka na saktan siya." Lumitaw sa isipan ko ang imahe ni Ludwig habang sinasabi ko ang huling mga salitang iyon.

         "Woah! I'm glad to hear that. It means mahal mo talaga ang Lolo mo. Mapapanatag na ako na hindi na siya malulungkot at mag-iisa. Pero bakit parang ang seryoso mo naman yatang masyado sa huling sinabi mo?" matawa-tawang ani ni Tommy.

         "Ikaw kasi, eh! Nakakahawa ka kasi!" I tried na ibahin ang thoughts sa isip ko. Nagre-reflect yata sa mukha ko ang galit kapag naiisip ko ang bastard na 'yon. Hindi pwedeng makahalata si Tommy. Wala pang ibang nakakaalam sa mga plano ni Ludwig. Ako pa lang. At hindi pwedeng may ibang makaalam. Baka kung ano pang gawin niyang masama kapag nalaman niya na may iba pang nakakaalam sa masasama niyang balak. Hindi pwedeng may ibang madamay. Tama ng ako lang ang pahirapan niya. Hindi ako papayag na may pahirapan pa siyang iba.

             "You know what? I can say na marami ka ng natutunan sa halos isang taon mong pag-aaral sa pamamahala sa negosyo. Actually, hindi naman kailangan ng kompanya  na makipag-merged sa kompanya ng asawa mo, eh. At sa nakikita ko na dedication mo at pagmamahal sa kompanya? Mukha namang kaya mo na itong pamahalaan." mahabang litanya ni Tommy. I can say rin na isa siyang man of many words. Ang dami niya kasi laging sinasabi. Pero may point naman siya lagi. "But you already married him. Kaya sa merged talaga ang bagsak ng dalawang kompanya." Dagdag  pa nito.

        Napahinga ako ng malalim bago magsalita, "I have no choice but to agree sa merged. Walang tiwala ang board sa akin dahil babae ako at kulang pa ang kaalaman at kakayahan ko sa pagpapatakbo sa negosyo."

           "Malaki na ang improvement mo. At dahil pursigido ka at mahal mo ang kompanya, sigurado ako na kakayanin mo itong pamahalaan ng maayos." Tommy said to me.

          Gustong-gusto ko ng sabihin sa kanya na iyon ang gusto kong mangyari. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa pwede. Hindi pa sa ngayon. Pero alam ko na isa siya sa pwedeng makatulong sa akin kapag dumating na ang oras na kailangan ko ng protektahan laban kay Ludwig ang kompanya.

          "Thank you so much, Tommy. I owe you a lot for teaching me and helping me. At dahil d'yan, ililibre kita ng kape!" Masaya kong sabi sa kanya. Tumayo na ako para kunin ang bag ko nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.

          At mula doon ay bumungad ang taong ayoko sanang makita sa mga oras na ito.

          "And where are you going, my wife?" seryosong tanong ng bagong dating na si Ludwig.

         Nawala bigla ang ngiti sa mukha ko upon seeing him.

          "Ahm... I guess, sa ibang araw mo na lang ako ilibre ng kape," nakangiting saad ni Tommy. "Good afternoon, Sir. Excuse me." Magalang na binati nito si Ludwig saka nagpaalam at lumabas ng opisina ko.

          Naupo naman ako ulit sa swivel chair ko saka walang gana ko siyang tinignan. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

           "Wow! Just, Wow!" he said habang lumalakad at naupo sa upuan na nasa tapat ng mesa ko. "You are very much willing to treat some other guy for a coffee. While you're asking your husband like that?" Prenteng sumandal siya sa upuan habang naka-de kuwatro ang mga binti niya. "Wheres's your manner, Mrs. Alexa Henderson?" Nang-iinsulto niya pang tanong ulit sa akin.

       Habang ako naman ay kinilabutan ng husto sa itinawag niya sa akin. Para akong masusuka sa narinig ko mula sa kanya.

        "What? What with the face? Parang kanina lang ang ganda ng ngiti mo habang kausap mo ang assistant ng Lolo mo. And now that your husband is here, para kang nakakain ng mapait?" Gusto ko na talagang masuka sa mga pinagsasabi niya.

           Husband your face!

          "What are you doing here?" walang gana kong tanong sa kanya.

           "Well, husband duty? I'm here to fetch my wife," walang gatol na tugon nito sa tanong ko.

            "Ahu! Ahu!" Hindi ko napigilan ang mapaubo nang masamid ako dahil sa sinabi niya.

            "You're insulting me. Kanina pa, Wife." Madilim ang mukhang ani nito.

            I composed myself bago ko siya sinagot, "You didn't inform me, naman kasi na may palabas kang gagawin ngayon. And what it is this time?" I asked him.

              Tumayo naman siya saka nakapamulsa na humarap sa akin. "I want to show to your Abuelo and the board that I'm capable of being a good husband and next chairman of this company." Nakangising tugon nito.

          Naikuyom ko naman ang kamao ko. Ang sarap ibato sa kanya ng ballpen holder na nasa mesa ko. But I have to control myself.

           "Kaya sumakay ka na lang. If you dont want to break your abuelo's heart," banta niya sa akin.

           Bastard!

           Kung pwede ko lang talaga siyang saktan ginawa ko na sana. Pero konting tiis pa, Alex. Konti pa.
          




Chapter 4


              

Ludwig's Pov

            This woman is testing my patience. We are married for almost one year. But still, I'm not getting what I want from her. I just want her to sign those papers but she is making it hard for both of us. She is the only heir of Don Ariston Vasquez. And the only way for me to have that Island and their company. I have so many plans but it was all pending and she is the cause of the delay. The merging of our company is not enough for me to get their properties. That's why I married her. She just has to sign those papers. And I'm not expecting she's smart enough to find out my plans. Maybe I underestimated her. I thought she is just a brainless and naive probinsiyana. But, I'm wrong. And maybe I must change my strategy to get what I want.

          I am Ludwig Henderson one of the most sought young billionaire bachelors. And I don't marry that woman for nothing. I even sacrificed my three years relationship with my model ex-girlfriend just to marry her. For the sake of my plans. That's why I'm not gonna let her ruin everything. I'll make sure that I'm still going to succeed. 

           Hindi umubra sa kanya ang pagpapahirap ko. Kahit ang pananakot ko. I'm not expecting na palaban siya at matalino kahit na sa isang isla siya ipinanganak at namuhay ng matagal bago siya nahanap ng mayaman niyang lolo. Hindi ko akalain na aabot pa ng taon ang pagsasama namin. At mukhang wala siyang balak na isuko sa akin kung ano ang kailangan ko.

      That's why, maybe it's about time for me to change my approach to you, Alexa Batungbakal.

          "Mike!" I called my assistant and he hurriedly come to me. "Make the chopper ready and my private plane as well." I ordered him.

           "Sir? But, Ms. Sydney is about to come here, Sir. You're waiting for her, right?" He asked puzzled.

           "I changed my mind. I have to go back to Manila. Stay here and wait for her. Accompany her and send her home safely. Get my things ready and don't forget to make a reservation at the Henderson Palace. Tell them to reserve the honeymoon suite for me," I said to him and I can sense his curiosity.

          "Ahm... Should I tell Ms. Sydney to go there instead of here, Sir?" Mike asked.

       "No! Don't you understand what I said a while ago? Wait for Sydney and send her home." I almost shout because of irritation. "And reserve the honeymoon suite at the Henderson Palace for me and my wife." My assistant can't hide the shocked reaction on his face. "Is the chopper ready, Mike?" I impatiently asked him.

         "I already tell the pilot to come here, Sir. And I'm already contacting the pilot of your plane. Excuse me, Sir. I'm going to get your things in your room." Mike excused himself and hurriedly go to my room here in our hotel in Hawaii. We owned a hotel on one of the islands here.

          And, Yes. I'm still seeing my ex-girlfriend Sydney. And it's fine with her. But, I guess I have to cut our ties for now. For me to succeed in my new plans.

           "Hintayin mo lang ako, Alexa Batungbakal Vasquez, Henderson. Sisiguraduhin ko na makukuha ko na ang mga gusto kong makuha. I can't wait to come home and make you fall... for me..." I smiled and wait for the chopper that going to send me on my private plane.

     

   

Alexa's Pov

             Nagdadalawang isip talaga ako kung papasok ako sa loob ng silid na ito o hindi.

              I was in my office ng tumuwag ang assistant ng bastard na iyon. He told me to come here to Henderson Palace. Isa ito sa five star hotel na pag-aari ng mga Henderson. Well, I'm not considering myself as Henderson. Kahit pa kasal kaming dalawa. Never naman naging mag-asawa ang turingan namin. Dahil alam ko naman kung bakit niya ako pinakasalan. At 'yon ay para makuha ang Isla na pag-aari ni Lolo. Pati na rin ang iba pang property ng pamilya Vasquez. At hindi ako papayag, na mangyari iyon. Kaya kahit na hindi niya ako trinato ng maayos at bilang asawa ay tiniis ko lang lahat iyon. Alam ko naman na pinapahirapan niya ako para kusa akong sumuko. Para pirmahan ko na lang lahat ng pinapapirmahan niya sa akin. He even offered me one hundred million pesos. Kapalit ng annulment namin at pagpirma ko sa mga papeles na iyon.

         But, I don't want my abuelo to get hurt and be disappointed. At mas lalo naman na hindi ako mukhang pera.

        He chooses that bastard na pakasalan ko, kasi akala niya ito ang makakatulong sa akin para makuha ang tiwala ng board at mapalago pa ang kompanya. My abuelo owns a food chain company and an Island na pinag-iinteresan ng bastard na 'yon. At hindi ko hahayaan na makuha niya iyon. Handa akong protektahan ang lahat ng pinaghirapan ni Lolo at ang mga taong namumuhay sa Isla na iyon. Kahit na isakripisyo ko pa ang sarili kong kaligayahan.

         Huminga muna ako ng malalim bago ko itapat sa sensor ang keycard. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Luminga ako sa paligid, looking for that bastard.

         Ano naman kaya ang pakulo niyang ito? Bakit niya ako pinapunta dito?

         Huh?

        Napakunot ang noo ko sa nakita ko. Nagkalat ang petals ng bulaklak sa sahig at sa kama. Naka-set up ang mesa into a romantic table setting.

         And there he is standing holding a bouquet. Looking so hansome and fresh in his casual outfit. Staring at me with that expression on his face.

         "A-Anong ibig sabihin nito?" medyo nauutal kong tanong sa kanya.

        "Did you like it?" He asked me. "And by the way... Flowers for my lovely wife." Iniabot niya sa akin ang bouquet ng bulaklak.

          Pero hindi ko iyon kinuha mula sa kanya. I even distance myself from him.

          And what did he say?!?

          My lovely wife?

          Kikiligin ba ako?

          Parang mas gusto kong masuka.

           I looked at him bewildered, "Nakakain ka ba ng panis?" I asked him, na ikina-salubong ng mga kilay niya.

          "What? Bakit naman ako makakakain ng panis? Kaya kong mag-aksaya ng worth millions na pagkain. Why should I eat spoiled food, my wife?" mayabang na tugon niya sa tanong ko sa kanya.

          My wife?

          Mukha niya!

         Gusto kong matawa sa kanya pero pinigil ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung na-gets niya ang point ko o talagang mayabang lang talaga siya.

           "I won't fall for your trap, Ludwig. Kaya kung ako sa'yo itigil mo na ito. You're just wasting our time. Or, maybe you are doing this for a show? Nasaan ang camera?" I asked him habang lumilinga sa paligid. Looking for the cameras. "Ikaw naman... You should inform me beforehand. Para naman nakapaghanda ako at nakasakay sa palabas mo. Should I act surprised?" Papilosopong tanong ko sa kanya.

           Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdilim ng mukha niya. Pero mabilis din na nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya bago dahan-dahan na lumapit sa akin. Nahigit ko ang paghinga ko dahil huminto siya nang halos ilang pulgada na lang ang distansya namin sa isa't isa.

          "Are you mocking me, My wife?" nakangisi niyang tanong sa akin. "Maybe being romantic won't work with you. Should I change my style? Maybe I should do it in another way." After saying that ay bigla niya na lang akong hinapit palapit sa kanya. At dahil sa gulat ay hindi ko napaghandaan ang sumunod na ginawa niya.

           He is kissing me!

          Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. At halos hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pero bago siya mag-enjoy sa paglapa sa labi ko ay nakabawi na ako at marahas ko siyang itinulak palayo sa akin.

          I can see na nagulat siya sa ginawa ko. Mabilis ko namang kinuha ang wine glass na may laman ng wine na nakapatong sa mesa at nilagok ito. Saka ko siya hinarap habang pinupunasan ko ang bibig ko.

           "How dare you kissed me!" asik ko sa kanya.

          Nakakainis!

          Nahalikan niya ako!

          Bastard talaga!

           Ngumisi naman siya saka nagtangkang lumapit ulit sa akin pero mabilis akong lumayo sa kanya.

          "What?! Is kissing my wife a crime now?" nakangisi pa rin niyang tanong. "And are you afraid of me, Alex?" Dagdag pa nito.

          "Hoy! Kung ano man ang binabalak mo, 'wag mo ng ituloy! I won't fall for your trap, Ludwig!" sigaw ko sa kanya habang iniisip ang susunod 'kong hakbang. Wrong move yata na 'yung wine ang ininum ko. Medyo nahilo ako, eh.

        Wait! Baka may inilagay siya roon. Dapat 'yung tubig ang tinungga ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi naman siguro.

        Ano ka ba naman, Alex! Bakit hindi ka nag-iingat!

          Sermon ko sa sarili ko.

          "Really, Alex? You think so?" nanghahamon niyang tanong sa akin.

         "Kung wala ka naman pa lang sasabihin na importante aalis na ako." I said to him and I'm about to leave pero napahinto ako sa sinabi niya.

         "Your abuelo said to me, na gusto niya na raw magkaapo sa tuhod," naka-ngisi niyang sabi sa akin. Nasamid naman ako sa sarili kong laway dahil doon. "And I think he is right. Halos mag-iisang taon na tayong kasal. I guess, it's about time for us to have a child. What do you think, Alex?" Nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya.

         "H-Hoy! Hindi lang yata panis ang nakain mo, eh. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo!" singhal ko sa kanya. Hindi ko na kinakaya ang lalaki na 'to. Maybe, I really have to go out of here.

        "I reserved this room for our long time overdue honeymoon, My wife." Humakbang siya palapit sa akin while saying that. "Come to think of it.  Hindi pa natin iyon ginagawa mula ng ikasal tayo." Pagpapatuloy pa nito.

         
         Nanlalaki ang mga matang napatitig na lang ako sa kanya. "Hindi! Kasama 'to sa maiitim niyang balak. Hindi siya pwedeng magtagumpay sa mga binabalak niya. Lalo na ngayon!" Sigaw ko sa isipan ko habang nag-iisip ako ng pwede kong gawin para mapigilan siya.

          "Dont come near me!" sigaw ko sa kanya. Pero patuloy lang siya sa paglapit sa akin, while grinning. "Tiniis ko ang mga pagpapahirap at pang-aalila mo sa akin. Pero hinding-hindi ako makakapayag na magawa mo sa akin ang binabalak mong gawin ngayon!" Bago pa siya tuluyang makalapit sa akin ay mabilis na akong tumalikod para sana takbuhin ang pinto para makaalis sa lugar na iyon. Pero, wrong move. Dahil sa isang maling galaw ko na iyon ay bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo. Hanggang unti-unting nandilim ang paningin ko.

        Sabi na nga ba. Hindi ko dapat nilagok ang wine na iyon...

           
         Bago ako tuluyang mapapikit ay naramdaman ko ang pagsalo niya sa akin.

             No! Hindi pwedeng mangyari ito!

           
        

         

                

Post a Comment

0 Comments
Post a Comment (0)
To Top