"Ma, pasens'ya ka na talaga, ha? Promise babawi ako sa'yo. One of these days uuwi ako riyan sa atin. I have to go. Tawagan na lang kita ulit mamaya. I love you... Bye!" I ended the call. Napahinga na lang ako ng malalim.
I missed my mom so much. Pero kailangang kong magtiis pa. Kahit na gustong-gusto ko na talagang umuwi ng Surigao. I'm living here in Manila for almost one year na. Pero hindi pa rin talaga ako masanay-sanay. Mas gusto ko pa rin talaga ang buhay sa Isla. Kaysa rito sa Manila. But because of the deal, I have to endure being away from my family. At magtiis sa feeling ng isang nilalang na ni sa panaginip ay hindi ko pinangarap na makasama.
"Manang Fe, pakitawag na po ang sir ninyo. Pakisabi handa na po ang almusal." Utos ko sa isa sa mga kasambahay sa mansyon na ito.
Yes. I'm living in a mansion. Pero mas gugustuhin ko pa na sa kubo tumira, kaysa rito. Sa totoo lang.
"Opo, Madam," magalang na tugon ni Manang Fe sa akin.
Napahinga na naman ako ng malalim dahil sa itinawag niya sa akin. "Manang, sinabi ko naman na po sa inyo ng ilang ulit na 'wag na ninyo akong tawagin ng ganiyan 'di ba?" paalala ko sa kanya.
"Pasens'ya na, hija. Iyon kasi ang bilin ni Sir," saad nito sa apologetic na tono.
"Kahit na po. Basta kapag ako lang ang kaharap ninyo 'wag niyo na po akong tawagin ng ganiyan." Bilin ko kay Manang Fe.
"Kung iyan ang gusto mo, hija," nakangiting turan nito sa akin. "Tatawagin ko na si Sir-"
Naputol ang sasabihin sana ni Manang Fe dahil bumungad na sa bukana ng dining area ang taong ipinapatawag ko sa kanya.
"You don't have to call me, Manang." Suplado at may awtoridad ang boses na sabi ng bagong dating. Naka-suot ito ng suit na tipikal na isinusuot nito sa tuwing pupunta sa Kompanya nito. Tumango naman si Manang bilang sagot dito. Matagal na si Manang Fe sa mansyon na ito pero mukhang ilag pa rin ito sa amo. "Hindi ako mag-aalmusal dito. I have an early meeting, so I'm having my breakfast elsewhere." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko napigilan ang pagsasalubong ng mga kilay ko. Pagkatapos kong gumising ng maaga at lutuin ang lahat ng ito, kakain lang pala siya sa labas?
"Sana nagsabi ka kaagad para hindi na ako nagpakahirap magluto," I said to him. Hindi ko naitago ang iritasyon sa boses ko.
"Do I have to tell you everything? And besides it's your duty as my wife, na ipagluto ako. Nagrereklamo ka na ngayon?" salubong din ang kilay na turan nito.
"I'm not asking you to tell me your whereabouts and I'm not complaining, either. Sana man lang magsabi ka para hindi masayang ang oras ko, at ang mga pagkain na lulutuin 'ko," palaban na sabi ko. He is very intimidating kaya ilag sa kanya ang mga tao. Well, except me. Dahil hindi ako magpapatalo sa kanya.
"Is cooking for your husband a waste of time?" kunot ang noong tanong niya sa akin. "Baka nakakalimutan mo kung sino ka sa pamamahay ko?" Lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha nito.
"Hindi ko nakakalimutan kung sino ako at kung ano ako sa mansyon mo. My point is sayang ang pagkain. At may iba rin akong ginagawa. Hindi lang ang pagsisilbi sa'yo ang gawain ko sa araw-araw." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na irapan siya. At halos mahigit ko ang sarili kong hininga nang mabilis siyang nakalapit sa akin.
"Wala akong pakialam sa mga masasayang na pagkain," sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Kung ayaw mo na sa set up nating ito pirmahan mo na ang mga pinapapirmahan ko sa'yo. Para hindi na natin kailangang magpanggap sa harapan ng Lolo mo." He said that with gritted teeth.
Kahit naiilang ay sinalubong ko ng tingin ang mga mata niya. With the same intensity. "No effin way." Madiing saad ko. "Fine. Sayangin mo ang mga pagkain na niluluto ko. Sayangin mo ang oras ko. Pero hinding-hindi ko pipirmahan ang mga 'yon. Hindi mo makukuha ang gusto mo." I said to him saka ako pasimpleng lumayo sa kanya. Pero napasinghap ako nang bigla niya na lang akong hapitin sa bewang palapit sa kanya.
"Tignan natin kung hanggang kailan ka tatagal, Alexa Batungbakal." He said that saka ako binitawan. Tinitigan niya muna ako ng masama saka niya ako tinalikuran at umalis.
Napabuga naman ako ng hangin ng marahas. "Psh! Bastard." Pabagsak akong naupo sa malapit na upuan sa akin.
"Ayos ka lang ba, hija?" Nag-aalalang tanong ni Manang Fe sa akin.
"Ayos lang po ako, Manang. Mag-iisang taon ko naman ng nararanasan ito sa kanya, eh," I said. "Kaya medyo nasasanay na po ako." Ngumiti ako, to assure her na okay lang ako.
"Bakit kailangan mong magtiis sa kanya, hija? Mayaman ka rin naman. Pwede mo siyang hiwalayan kung gugustuhin mo. Lalo na't hindi niyo naman mahal ang isa't-isa," wika ni Manang Fe.
"Ang Lolo ko po ang mayaman hindi ako. At saka hindi ko po siya pwedeng hiwalayan basta-basta," malungkot na nginitian ko si Manang Fe. "Pakitawag na lang po silang lahat. Saluhan niyo po akong kumain." I'm referring sa lahat ng kasambahay ng mansyon.
"Sigurado ka ba, hija? Baka magalit si Sir kapag nalaman niya," alangan na tanong ni Manang Fe.
"Dont worry, Manang, papasok na po iyon sa opisina niya. Hindi niya malalaman. Kaysa naman po masayang ang mga pagkain na ito." katuwiran ko kay Manang Fe.
"Sige, hija, tatawagin ko na sila." Nginitian ako ni Manang saka tumalima na para tawagin ang mga kasamahan nito.
Napapaisip na natulala naman ako sa hapag.
"Hanggang kailan nga ba ako tatagal sa lugar na ito? Hanggang kailan ko pa matatagalan ang ugali ng asawa ko..." Kinilabutan ako sa huling salitang nasabi ko.
Asawa?!?
Mag-asawa lang kami sa papel. Sana hindi ako nagpadalos-dalos sa desisyon ko noon. Sana nag-isip muna ako ng ibang paraan kung paano mapoprotektahan ang mga pinaghirapan ni Lolo laban sa kanya.
I shouldn't have marry that bastard named, Ludwig Henderson.
Chapter 2
Alexa's Pov
Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng opisina ni Lolo. Ayoko na mahalata niya na hindi ako okay. Kaya naman pinasaya ko ang tono ko ng batiin ko siya.
"Goodafternoon, Lolo!" masiglang bati ko sa kanya. Agad naman siyang napalingon sa direksyon ko.
"Apo!" Agad namang nagliwanag ang mukha ni Lolo ng makita ako.
Yumakap ako sa kanya ng makalapit ako saka nagmano sa kanya. "Miss me? Para namang hindi tayo nagkita kahapon, Lolo." Pabirong sabi ko sa kanya.
"Kahit yata magkasama tayo sa bahay ay nami-miss pa rin kita palagi, apo," nakangiting turan ni Lolo. Napangiti rin ako. "Dapat pala hindi muna kita ipinakasal sa asawa mo para mas nakasama muna kita ng matagal." Nanghihinayang na dagdag pa ni Lolo.
"Ikaw kasi ipinakasal mo ako agad, eh," nakangusong biro 'ko rin sa kanya. Naupo ako sa upuang nasa tapat ng mesa ni Lolo. "Araw-araw naman tayong nagkikita rito sa opisina pero nami-miss mo pa rin ako?"
"Oo, apo. You look exactly like your dad. Kapag nakikita kita parang nakikita ko na rin siya. Kung nahanap ko lang sana agad kayo hindi na sana kayo naghirap. Baka kasama pa rin natin siya hanggang ngayon," nakangiting saad ni Lolo. Pero dama ko ang lungkot, pangungulila at panghihinayang niya."Kung hindi lang sana ako naging matigas noon at hinayaan ko na lang sana sila ng iyong ina na magsama. Ang ama mo na siguro ang namamahala sa kompanya ngayon. Hindi na sana kita kailangang ipakasal agad." Apologetic ang tingin na ipinukol sa akin ni Lolo.
Ginagap ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa niya. "Lolo... Hindi na po natin maibabalik ang mga nangyari na noon. Ang mahalaga po ay pinagsisihan niyo na ang nangyari noon. At magkasama na po tayo ngayon!" wika ko sa masayang tono. Sa totoo lang ako rin nanghihinayang at nalulungkot. Masaya naman kami nila Mama at Papa kahit simple lang ang buhay namin sa Surigao. Bata pa lang ako noong kasama pa namin si Papa pero alam ko na naging masaya siya sa piling ni Mama. Ayon nga lang huli na noong malaman daw noon ni Mama ang tungkol sa sakit ni Papa. Kaya hindi na naagapan pa. Nagkasakit sa Kidney si Papa. At dahil ayaw niyang mag-alala si Mama itinago niya ang kalagayan niya. Siguro kung hindi niya ginawa iyon, kasama pa sana namin siya hanggang ngayon. Mas masaya sana kung nandito rin siya ngayon. Pero hanggang sa huling sandali ng buhay niya ay itinago nila ni Mama ang tungkol sa katauhan ni Papa. Kaya nga Batungbakal ang ipinagamit nila sa aking apelyido, hindi ang apelyido ni papa.
"Kumusta naman kayong mag-asawa, Apo?" naputol ang pag-alala ko sa nakaraan sa tanong ni Lolo. "Mukhang busy masyado ang asawa mo. Hindi man lang kami nagkakausap." Pagpapatuloy pa ni Lolo. Bakas sa tono ng boses nito ang pagtatampo.
"A-Ayos lang naman po kami Lolo. Ahm... Masyado nga po siyang busy sa trabaho. Kaya pasensya na po kung hindi kami nakakadalaw sa'yo," hingi ko na lang ng paumanhin sa kanya. Pero sa totoo lang may oras pa ngang mag-golf at um-attend ng party ang isang iyon. Palagi rin siyang out of the country. Ayaw niya lang bumisita kay Lolo dahil sukang-suka siya na umarte kaming totoong mag-asawa sa harapan ni Lolo. "Ahm... Punta na po ako sa office ko, Lolo. May idi-discuss daw po sa akin si Tommy ngayon, eh." Paalam ko kay Lolo.
"Sige, Apo. Sabay tayong mag-lunch mamaya," nakangiting wika ni Lolo.
"Okay, Lolo. Pasensya ka na Lolo, ha. Sa edad mo ngayon dapat nagpapahinga ka na lang sa bahay. Pero dahil hindi pa sapat ang kaalaman ko sa negosyo, kailangan mo pa tuloy magtrabaho," apologetic na sabi ko.
"It's okay, Apo. Kapag na-finalize na ang merged ng company natin sa kompanya ng asawa mo, wala na tayong aalalahanin." Nakangiting ginagap ni Lolo ang mga kamay ko.
I try my best na 'wag niyang mahalata ang pilit na ngiti ko. "Opo, Lolo. I have to go na po. See you later." Paalam ko ulit kay Lolo. Umikot ako sa mesa niya para mahalikan siya sa pisngi.
"Sige, Apo. Don't be too harsh on yourself, Okay? Matutunan mo rin ang lahat ng dapat mong matutunan sa negosyo," pahabol na bilin pa ni Lolo.
Ngumiti naman ako sa kanya. This time its genuine smile, "Yes po, Lolo. Thank you." I said to him, lumabas na ako ng opisina ni Lolo at dumiretso sa opisina ko.
Wala pa ang assistant ni Lolo na si Tommy Sandico. Siya ang nagti-train sa akin sa pamamahala sa negosyo ng pamilya. Mabuti na lang nakasundo ko agad siya. Hindi ako masyadong mahihirapan na pag-aralan ang lahat ng dapat kong malaman.
Naupo ako sa swivel chair ko at napapaisip na nangalumbaba sa mesa ko.
Kung buhay pa si Papa siya sana ang papalit kay Lolo sa pamamahala sa kompanya at iba pang pag-aari ng pamilya nila. Pero dahil wala na siya, I have no choice but to take charge.
I have been called a jack of all trades when I'm in college. Sa dami ng trabaho na pinasok ko para lang makapag-aral at masuportahan ang mga pangangailangan namin ni Mama. I graduated, Bachelor of Science Major in Hospitality Management. I'm a fresh graduate and already working in a small company when Lolo found us. And it should be just a reunion for us. Tinanggap niya ako bilang apo. And He cried when he found out about Papa's death. Pero dahil matanda na si Lolo kailangan niya ng successor na mamamahala sa kompanya niya. At dahil babae ako at hindi sapat ang pinag-aralan ko para mamahala sa kompanya ay kinailangan kong magpakasal sa isang taong pagkakatiwalaan ni Lolo at ng board of directors.
And that's suits Ludwig Henderson. A young billionaire na minana ang negosyo ng pamilya nito. Ang Henderson Group of Companies na kilala sa naggagandahan at sikat na hotel, casino at resorts hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.
Pero hindi pa rin ito kontento sa lahat ng meron siya. Dahil gusto niyang angkinin ang negosyo at isla na pag-aari ni Lolo. Iyon ang dahilan kaya pumayag siya na ikasal sa akin.
My Abuelo doesn't know about Ludwig's plan. It just happen na, I accidentally heard him talking to someone about his evil plan sa kompanya ni Lolo. At hindi ko hahayaan na makuha niya ang gusto niya. Kahit kapalit pa nito ang kalayaan at kaligayahan ko.