Views

Chapters 1 & 2 Career Woman Series IV. He Loves Me, He Loves Me Not

MissJAM Original Novels
0
CHAPTER 1. MAY LAST TRIP PA

"Whoo!.. Let's party!" masayang sigaw ni Yvone habang gumigiling sa mabilis na ritmo ng musika sa dancefloor. Inisang lagok niya ang cocktail drink at muling humiyaw.


Nang mapagod ay nilisan niya ang dancefloor at lumapit sa bar para umorder pa ng inumin. Mag-isa lang naman siya kaya hindi na siya kumuha ng vip table.


"Give me a shot of tequila, please?" wika niya sa bartender. Habang hinihintay ang order ay inilibot niya muna ang tingin sa paligid. 


There's a group of younger people probably eighteen to twenty years old partying and drinking like there's no tomorrow. She wonders if this children was even allowed to this kind of place. Probably not. Ang mga kabataan ngayon ay mapupusok na. Oh, well, hindi nga pala siya naiiba sa mga ito. Ilang taon nga ba siya natutong pumasok sa bar? Sixteen? Sa bar pa 'yon ng Kuya Garret niya, ang nakatatandang kapatid ni Yuri. Simula noon ay hindi na siya nagpaawat at kasama ang mga pinsan ay gabi-gabi silang laman ng iba't ibang bar. Pero noon 'yon. Ngayon ay mag-isa na lang siya dahil nag-asawa na ang tatlo sa Career Girls who happens to be Brenna, Yvette and Yuri. Oh, shoot! Hindi pa nga pala lumalagay sa tahimik si Yuri dahil sa mga oras na 'to ay nasa ibang lupalop ito ng mundo at sinusubukang hilumin ang broken heart nito. Ang cliche lang. Hindi pa kasi niya nararanasan ang ma-broken hearted. Puro fling lang kasi ang turing niya sa mga lalaking nakikilala. Sa edad niyang 27 ay sumagi na rin naman sa isip niya ang mag-settle down. Asawa na lang ang kulang. Aruy! Para namang may mahihigit siya na lalaki sa isang iglap lang. At kung meron man ni hindi niya sigurado kung matino ba 'yon o kaya siyang panindigan.


"Tequila!" Malakas na sabi ng bartender.


Muli siyang humarap para kunin ang shot glass at inisang lagok din 'yon. Pagkalapag niya ng shot glass ay ang siya namang paglapit ng isang lalaki.


Nakangisi itong umupo sa tabi niya habang diretsong nakatitig sa mga mata niya. Natingnan na niya agad ito mula ulo hanggang paa at masasabi niyang hindi niya bet ang mga klase nito. Bukod sa ang baduy ng pananamit nito ay mukhang one night stand lang ang habol nito. Pero pwede niyang sakyan ang trip nito at magkunwaring hindi alam ang plano nito. Para sa free drinks. Hanggang ilan kaya ang kaya nito? Pilyang tanong ng isip niya.


"Hi! Can I get you something to drink?" Maangas na tanong nito. Wala ng paki-pakilala. Talagang gusto lang nitong maka-hook up.


She smiled seductively. "I don't know if I can still drink. But if you insist a shot of tequila will do," malanding sabi niya.


Agad nga itong umorder ng drinks para sa kanya at beer naman dito. Pagkatapos no'n ay ngingiti-ngiti itong tumingin sa kanya habang umiinom.


"I know I'm beautiful you don't have to stare at me," pakli niya at ininom na ang alak saka inilapag ang empty shot glass.


"Do you want more?" tanong nito.


"Yup. But you have to empty your bottle first. Let's see if you are a heavy drinker," panghahamon niya.


Mukhang nasaling niya ang ego nito at pinatunayan nito na kaya nitong uminom ng marami. Inubos nito ang laman ng hawak na bote sa isang inuman lang at para patunayan ay umorder pa ito ng isang bucket ng beer at sabay-sabay 'yong binuksan.


Dumampot rin siya ng isa at uminom habang ichini-cheer ang hindi kilalang lalaki. Desidido itong magpa-impress sa kanya pero lingid sa kaalaman nito ay paraan niya 'yon para hindi nito magawa ang plano nitong gawin. Hindi nga naglipat oras ay bumagsak ito sa bar counter, knocked out, bangag, lasing. Lahat na ng pwedeng gamiting description dito.


Tatawa-tawa siyang bumaba sa bar stool at nilapitan ito saka tinusok-tusok ang pisngi para siguruhin kung tulog na ito. Nang masiguro ay napapailing niya itong iniwanan. She's done for the night. Wala siyang nakitang lalaki na nakakuha ng interes niya. Parang nauubos na yata ang mga attractive na lalaki sa mga bar na pinupuntahan niya. Nag-settle down na kaya ang mga ito? Sabagay nakakapagod nga naman mag-inom at mag-party gabi-gabi. Siya nga ay napapagod na pero wala naman siyang ibang alam gawin. 'Yon lang ang escape niya sa buong araw na trabaho sa kompanya nila bilang acting CEO. Ilang taon na nga ba siyang acting CEO? Three or four years? Ibinigay sa kanya ng ama ang posisyon na 'yon dahil sabi nito ay hindi pa handa ang Ate Ylonah niya na pamahalaan ang kompanya. Pero hanggang kailan ito magiging handa? Thirty years old na ang Ate niya at ni minsan ay hindi pa ito tumapak sa kompanya para magtrabaho o mag-briefing man lang. Kaya parang imposible ang sinasabi ng daddy nila.


Paglabas ng bar ay dumiretso na siya sa sasakyan niya at nagmaneho palayo roon.


Kaya rin siguro siya napasama sa binansagang Career Woman ay dahil seryoso siya sa trabahong nakasanayan na niya. Alam na niya ang pasikot-sikot ng kompanya nila at kahit nakapikit ay kaya niya 'yong patakbuhin. Kaya nga rin siguro nawalan na siya ng time sa sarili niya ay dahil subsob siya sa trabaho. Simula ng magtapos siya ng kolehiyo ay nagsimula na siyang pumasok sa kompanya bilang Junior Accountant, siya ang nagpo-process ng expenses ng negosyo nila at pagkalipas ng ilang taon ay naging CEO na nga.


Mabibilang lang yata sa daliri ang mga naging nobyo niya. Ni hindi nga niya alam kung nobyo bang maituturing ang mga ito dahil pinatulan niya lang ang mga ito dahil free time niya. Isang araw natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipag-fling para may pampalipas oras.


Dis oras na ng gabi nang marating ni Yvone ang bahay nila at tulog na ang lahat ng kasama niya sa bahay. Hindi na siya nanggising dahil meron naman siyang spare key.


Dumiretso agad siya sa silid niya at pumasok sa banyo. Nagbabad siya sa bath tub para mawala ang tama ng alak sa kanya. 'Yon ang sikreto niya para hindi siya magkaroon ng hangover kinabukasan. Sa gano'n ay magigising pa rin siya sa naka-set na alarm at maaga pa rin siyang makakapasok sa trabaho.


May isang oras siyang nagbabad at pagkatapos ay nagbihis at lumabas ng silid para magtimpla ng mainit na kape. Pagbaba sa kusina ay naabutan niya ang ina na si Nina na nagtitimpla rin ng kape. Nagulat pa ito ng makita siyang pumasok. Binati niya ito at nag-mano saka dumiretso na sa cupboard.


"Bakit gising ka pa, 'My?" tanong niya at inilapag sa harapan nito ang mug niya. Naglagay siya ng kape at kaunting asukal saka sinalinan 'yon ng mainit na tubig.


"Hinihintay ko ang kapatid mo. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya," tugon nito habang panaka-nakang humihigop sa mug nito.


"Si Yuan?" Pagkumpirma niya. Tumango naman ito bilang sagot. "Tinawagan niyo na ba ang cell niya? Saan daw nagpunta ang mokong na 'yon?" Usisa pa niya. Inilabas niya ang telepono mula sa bulsa ng suot na hoodie at hinanap ang numero ng kapatid pagkaraan ay tinawagan 'yon.


"May kailangan daw tapusin na school project. But I doubt it. Baka mamaya ay naroon na naman 'yon sa bar ng Kuya Garret mo. Napaka-bad influence talaga niyang anak ng Tito Kevin mo. Dahil sa kanya ay natuto kang mag-inom. Ngayon naman ay si Yuan ang tinuturuan niya." Palatak nito.


Hindi na lang siya nagsalita at patuloy na tinawagan ang numero ng nakababatang kapatid. Nang sagutin nito ay agad niya itong tinalakan at sinermunan na umuwi na. Tinanong niya pa kung nasaan ito at nang hindi makuntento ay nag-video call siya at hinanapan ito ng pruweba na kasama nito ang mga kaklase. Pagkatapos ay ipinakita 'yon sa ina.


"Bukas niyo na tapusin 'yan. Pinapauwi ka na ni Mommy. Umuwi ka na agad ha? Bilisan mo." Utos niya.


"Oo na. Sinabi ng malapit na deadline nito e." Nagmamaktol na sabi nito at walang pasabi silang binabaan ng telepono.


Nagkibit balikat siya at itinago na ang telepono. Bitbit ang mug ay nagpaalam na siya sa ina. Pero hindi pa man nakakailang hakbang ay nagsalita ito.


"Papasok ka ba bukas?" anito.


"Opo, 'My. Bakit?" Ganting tanong niya.


"Wala. Natanong ko lang. Baka kasi tanghaliin ka ng gising dahil nag-bar ka na naman. Ganyan na lang ba ang gagawin mo sa buhay mo? Puro bar at party na lang? Hindi pa ba sumasagi sa isip mo ang mag-asawa? Hindi ka na bumabata. Bakit hindi mo gayahin---"


"Mag-aasawa rin ako, 'My. 'Wag niyo na 'ko ihalintulad sa mga pinsan ko. Nauna lang sila sa'kin pero hindi pa rin naman nagkakalayo ang edad namin. Pwede pa 'kong humabol. May last trip pa naman 'di ba? Sige na, 'My, matutulog na 'ko. Goodnight." Idinaan na lang niya sa biro ang sinabi pero ang totoo ay apektado siya sa sinabi nito. Hindi niya gustong inihahalintulad siya sa kahit na sino. Lalo na sa mga pinsan niya. Hindi naman mortal sin ang pagiging single. Hindi pa lang talaga dumadating ang para sa kanya. Pero pasasaan ba at darating din 'yon. Baka naligaw lang.


************


CHAPTER 2. JERK EX-BOYFRIEND


TULOY-tuloy na pumasok si Yvone sa opisina ng Presidente ng kompanya na walang iba kundi si Henry Carbonel, ang daddy niya. Ipinatatawag daw siya nito sabi ng sekretarya dahil may mahalaga itong sasabihin.


Ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi pa nito sinabi kanina noong nasa loob sila ng conference hall at nagme-meeting? Pinag-usapan ng mga board members ang susunod na proyektong gagawin at pati na rin ang location. Bilang CEO naglatag siya ng mga lugar na maaari nilang pagtayuan ng shopping mall at naisip niya ang Probinsyang pinanggalingan ng ina, ang Laguna. Hindi pa 'yon masyadong sibilisado at kakaunti pa lang ang establisyementong nakatayo. Kaya maganda 'yong location para sa naiisip nilang shopping mall.


"Dad, ipinapatawag niyo raw ako?" tanong niya. Hindi na niya hinintay na paupoin siya nito at iginiya na niya ang sarili sa silya na nasa harap ng mesa nito.


Iniangat nito ang tingin mula sa binabasang mga papeles at hinubad ang reading glass saka siya tiningnan. "How are you, hija?" seryosong tanong nito at pinagsalikop ang mga palad sa ibabaw ng mesa.


Bahagyang umangat ang isang kilay niya dahil sa tanong na 'yon. Bakit bigla-bigla ay nagtatanong ang ama kung kumusta siya?


"I-i'm fine, dad. Why? May problema ba?" Ganting tanong niya. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na hindi nito nagustuhan ang presentation niya kanina.


"Someone called here earlier. His name is Ralph and he said he's your boyfriend. Are you two still together?" tanong nito. Nahimigan niya ang concern sa tinig ng ama. Hindi ito masyadong nagtatanong tungkol sa personal nilang buhay marahil ay gusto nitong sila ang unang magbukas ng usapan. Pero ibang usapan ang nangyari ngayon dahil nalaman nito mismo ang pagtawag doon ng ex niya. Oo, ex na niya si Ralph. Matapos niya itong mahuli na may kalampungang ibang babae ay nakipaghiwalay na siya agad.


Almost two years din ang itinagal ng relasyon nila na on and off. Pero dahil sa nahuli niya ito sa akto ay talagang tinapos na niya ang lahat sa kanila. Mabait naman si Ralph 'yon nga lang ay talagang playboy. Ano pa nga bang aasahan niya e, sa bar lang naman sila nagkakilala.


"Hiwalay na kayo?" Patuloy na tanong ng ama ng hindi siya sumagot.


Tipid siyang ngumiti at marahang tumango. "Yes, dad. We are done. But don't worry about me dahil wala naman akong grudge sa kanya. Playboy siya at ang mga playboy hindi dapat iniiyakan," turan niya.


"Are you sure?" Pagtitiyak nito.


"Yup. 'Yon lang po ba ang dahilan kaya ipinatawag niyo 'ko?"


"Oo, hija." Sukat ng sabihin nito 'yon ay tumayo na siya at naghanda na sa pag-alis. Pero nagsalita ulit ang daddy niya.


"Siya nga pala, may kakausapin akong kumpadre ko na may-ari ng construction company. Gusto kong sila ang mamahala sa gagawing shopping mall sa Laguna. Maaari mo ba 'kong samahan sa pagbiyahe mamaya patungo sa bahay nila?" Mabilis pa sa alas kuwatro siyang pumayag at pagkaraan ay nilisan na ang opisina nito. Lahat naman ng meetings at appointment nito ay nais nitong kasama siya. Para raw makita niya kung paano ito makipag-usap at makakuha siya ng tips.


Nakuha niya nga ang way nito ng pakikipag-deal sa mga katrabaho. Ang pagiging strict at efficient niya pagdating sa proyektong ginagawa ay natutunan niya rito. Kung ano siya ngayon lahat 'yon ay dahil sa ama.


"Ma'am, may naghahanap po sa inyo," wika ng isang empleyado na nakasalubong niya habang pabalik sa opisina niya. Napakunot ang noo niya.


"Sino raw? May sinabi bang pangalan? Nagpakilala ba?" Sunod-sunod na tanong niya.


"Ralph Cruz, daw po," 


"Nasaan siya?" Biglang umsim ang mukha niya pagkarinig pa lang sa pangalan ng dating nobyo.


"Nasa lounge po---" hindi na niya pinatapos ang babae sa pagsasalita at tinalikuran na ito. Dumiretso siya sa office lounge na nasa kabilang wing ng building. Muntik na niyang makalimutan ang ginawa nitong pagtawag at pagpapakilala sa daddy niya. Anong iniisip nito at ginawa nito 'yon? At saan din ito kumuha ng lakas ng loob para magpakilala pa? Pagkatapos ng ginawa nito sa kanya. Ngayon ay makikita nito ang bangis ng isang Yvone Carbonel.


Mabilis ang mga hakbang na narating niya ang lounge. Inilibot niya ang tingin sa paligid at nakita niya ang hinayupak na lalaki na nakatayo sa dulo habang nakatanaw sa malawak na siyudad mula sa glasswall. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang kinaroroonan nito. Sa bilis ng lakad niya ay malakas din na tunog ang nililikha ng pumps na suot niya dahilan para agad siyang makita nito.


Agad itong ngumiti ng makita siya at kabaligtaran naman dahil biglang umasim ang itsura niya dahil sa mukha nito. Hindi na niya ito gustong makita kahit kailan.


"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa'kin?!" Nagpipigil ng galit na sumbat niya nang tuluyang makalapit dito. Kontrolado ang lakas ng boses dahil ayaw niyang makakuha ng atensyon at baka maging hot topic pa siya sa buong opisina.


"Relax, babe. I'm here to explain. Please just---"


"Huwag mo 'kong matawag-tawag na babe ha? Hindi ako baboy. Ikaw ang baboy! Bakit gusto mong magpaliwanang ha? Pagkatapos ng isang linggo saka ka lang magpapaliwanag? Bakit? Tapos na ba kayong maglambutsingan ng babae mo? Kaya babalik ka na sa'kin?" Pananalakab niya. Sinabi niya ang lahat ng 'yon in her calmest tone. Kahit na ang hirap magpigil ng galit ngayong nasa harapan niya ang hilaw niyang nobyo... dati! Bwisit! Feeling niya ay nasisira ang beauty niya dahil sa presensya nito. Pati ang mood niya ay malapit ng masira.


"Sorry na. Patawarin mo na 'ko. 'Wag mo namang itapon ang halos dalawang taon nating relasyon. Alam mo namang ikaw ang pinakamatagal kong naka-relasyon. Nagsisisi na 'ko sa ginawa ko, babe," paliwanag nito. Pero bingi na siya.


"Sana naisip mo 'yan bago ka nakipaghalikan sa haliparot na babaeng 'yon. Kung nagsisisi ka bakit hindi halata?" Sarkastikong tanong niya at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Maniniwala pa siya kung nagpunta ito sa kanya ng nanlalalim ang paligid ng mga mata, payat at maputla. Kaso hindi! Posturang-postura pa rin ang loko at mukhang handang-handang tumuka ng palay.


Humugot siya ng malalim na hininga at hinawi ang mahabang buhok saka ito tinaasan ng kilay. "Sorry not sorry, Ralph. Pero tapos na tayo. As in T-A-P-O-S, tapos! End, finished, done, over, ganern! So babush! Balikan mo si Ate girl na haliparot baka sakaling tanggapin ka niya," wika niya at sinenyasan pa ito na pinapaalis niya. Nang hindi ito umalis ay siya na ang nagkusang tumalikod at iniwan ito.


Narinig pa niya ang pagtawag nito pero nagbingi-bingihan na siya. Sayang talaga ang relasyon nila. Inakala niya rin na magtatagal sila kahit na on and off ang relasyon nila. Pero tadhana na talaga ang gumawa ng paraan para mapaghiwalay sila. Hindi niya naman itatanggi na nasaktan din siya sa nangyari sa kanila. Pero ano pa bang magagawa kung magmumukmok siya? Bukod sa magmumukha lang siyang zombie sa pag-iyak ay hindi na rin maibabalik ang tiwalang nasira na. Naniniwala siyang trust ang unang-unang bagay na dapat iniingatan sa isang relasyon. Trust, sa tagalog tiwala hindi condom. Tsk!

Post a Comment

0 Comments
Post a Comment (0)
To Top