HAPON nang araw ding 'yon ay pinuntahan nga nila Yvone ang sinasabi ng ama na kumpadre nito. Nasa isang eksklusibong subdivision ang bahay ng mga ito sa Magdalena, Laguna. Kaya pala sinabi ng ama na biyahe dahil malayo pala ang pupuntahan nila. Halos 4 hours ang biyahe dahil traffic sa edsa. Ni hindi pa siya nakapagdala ng damit dahil inakala niyang malapit lang ang pupuntahan nila. 'Yon pala ay napakalayo at huli na ng sabihin ng ama na doon sila magpapalipas ng gabi.
Namangha pa siya ng papasukin sila ng maid sa loob ng living room. Nakasabit kasi sa dingding ang mga artwork na gawa ng iba't ibang tanyag na pintor. Mayroon din doon na mga sculpture. Ilan lang ang nakakaalam pero mahilig siya sa art pieces. Para bang may invisible na tali na nag-uugnay sa kanya sa mga iyon at nakikita o nababasa niya ang hidden messages ng mga 'yon.
Naglakad siya sa malawak na tanggapan ng mga Colmenares at nakangiting pinadaan sa frame ang mga daliri niya. This one was from the most renowned artist and she just saw it in an art exhibit. How come it's already there? She's wondering how much it cost? She's dying to know.
"It looks like you like what you are seeing, hija," anang daddy niya. Nilingon niya ito at kagyat na tumango. Nakaupo na ito sa couch at mukhang at home na sa bahay na kinaroroonan.
Bago pa may makapagsalita ulit sa kanila ay may sumulpot na na isang lalaki mula sa dinaanan nila kanina. Maputi na ang manipis na buhok nito at sa hinuha niya ay kasing edad na ito ng ama. Agad itong ngumiti ng makita sila. Ito siguro si Abel Colmenares, kung hindi siya nagkakamali.
Nakumpirma niyang tama siya ng tawagin nito ang daddy niya. "Kumpadre!"
"Kumpadre..." Tumayo ang daddy niya at nakangiting nakipag-kamay rito.
"Hi, Sir," magalang niyang bati at nilapitan ito para makipag-kamay rin. Pero nagulat siya ng higitin siya nito at yakapin.
Hindi siya nakahuma at ni hindi nakapagsalita dahil sa ginawa nito. Nang humiwalay ay awkward siyang napangiti. Manyak pa yata ang kumpadre ng daddy niya. Ngiting-ngiti ito nang tingnan siya. Pero may kakaibang emosyon siyang nabanaag sa isang sulok ng mata nito. Para bang may lungkot doon na hindi niya malaman kung para saan.
"Pasensya ka na, hija. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bigla ko kasing naalala ang asawa ko noong makita kitang nakatitig sa painting," saad nito.
Kaya naman pala... Sa loob-loob niya. May saltik siya ng pag-isipan ito ng masama gayong may naalala lang pala ito. At alam na niya ang dahilan ng lungkot sa mga mata nito. Hindi ko naman siguro kamukha ang asawa niya, no? sabi pa ng isip niya. Yikes! Ang creepy.
"Ayos lang po 'yon. He-he," alanganin ang ngiting sabi niya.
"You also love arts, hija? By the way sit down. Make yourself comfortable, hija, kumpadre," wika nito pagkaraan. Bumalik sa pagkakaupo ang ama habang siya ay naupo na rin sa kaibayong silya na naroon. Samantalang ang lalaki ay tumawag ng maid at nagpahanda ng meryenda saka sila binalikan.
"I'm glad you came, Kumpadre. Matagal-tagal na rin simula ng huli tayong magkita. Kailan nga ba ang huli? Noon pa yatang burol ni Mercedes, hindi ba?" Kaswal na tanong nito. Wala na ang lungkot na kanina ay nakalarawan sa mata nito at napalitan na 'yon ng saya.
"Oo nga, Kumpadre. Kung hindi pa dahil sa bagong proyekto na nais kong ikaw ang humawak ay hindi pa tayo magkikita ulit," tugon naman ng ama.
Nao-OP si Yvone sa usapan ng tanders. May plano pa yata ang mga ito na magbalik-tanaw sa kabataan ng mga ito. Paniguradong aabutin 'yon ng siyam-siyam. 'Pag nagkataon ay hihikab lang siya ng hihikab dahil siguradong nakakabagot 'yon. Hay, sad life... Mahirap maging chaperone ng tanders. Kailangang makisakay sa mga trip nila.
Sukat sa naisip ay hindi sinasadyang napahikab nga siya. Halos manlaki ang mga mata niya ng tumingin ang mga ito sa kanya. Alanganin siyang natawa at nag-peace sign.
"Pasensya na po. Medyo napagod lang sa biyahe. He-he," palusot niya.
"Gano'n ba hija?" Kagyat siyang tumango at alanganing ngumiti.
"Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna sa guestroom. Ipinaayos ko na 'yon sa katulong at naroon na rin ang damit na maaari mong suotin habang narito ka. Pagpasensyahan mo na nga lang at sa pamangkin ko 'yon," wika ng matanda.
"S-sige po,Sir---"
"Huwag mo na 'kong tawaging Sir. Tito Abel na ang itawag mo sa'kin," anito.
"S-sige po, Tito. Dad, maiwan ko po muna kayo. Tawagin niyo na lang po ako kapag nasimulan niyo na ang meeting," baling niya sa ama at hindi na hinintay ang sagot nito. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro ng Tito Abel niya.
Mabuti naman at nakatakas siya sa catch up moment ng mga tanders. Makakapagpahinga rin siya kahit kaunting oras. Hindi pa siya nakakabawi mula sa encounter nila ni Ralph kanina at sa tingin niya ay kailangan niyang mapag-isa.
Pag-akyat sa ikalawang palapag ng bahay ay bumulaga ulit sa kanya ang iba't ibang artwork. Hindi gaya ng nasa baba mukhang luma na ang mga 'yon. Sa pagkakaalam niya kapag mas luma mas malaki na ang value. Hindi niya tuloy maiwasang mamangha sa mga collection ng asawa ni Tito Abel. Mukhang hobby talaga nito ang mangolekta ng mga artwork.
Isang painting ang nakaagaw ng atensyon niya. Sa lahat ng naroon ay ito ang kakaiba. Painting 'yon ng isang babae at lalaki. Mas bata ang lalaki kaysa sa babae. Kung tama siya mother and son ang tema no'n. Nakangiti ang babae habang nakaakbay sa lalaki na kapwa nakangiti rin. It looks real and their smiles give life to that painting. She can imagine the artist's feeling while doing it.
Pinadausdos niya ang daliri habang sinusuri 'yon ng tingin at dumako ang tingin niya sa dulo ng painting. Nakita niya ang pirma ng gumawa no'n. M. Colmenares. Could it be Mercedes Colmenares? Kung gano'n ay marunong palang magpinta ang asawa ni Tito Abel. Siguro anak nila ang kasama nito. Base sa painting mukhang gwapo ang anak ng mga ito. Mukhang pak ganern! Kaso single pa kaya ito? Baka mamaya ay pamilyado na pala itong tao. Hindi bale na nga lang.
Pumihit na siya paalis para pumunta sa guestroom. Kaso hindi nga pala niya alam kung saan ang guestroom doon. Shungabels lang kasi hindi siya nagtanong sa maid. Pero wala rin naman siyang nakita o nakasalubong kaya hindi na niya nagawang magtanong. Kebs lang. Hahanapin na lang niya kung saan 'yon. Kung kailangang isa-isa niyang buksan ang mga pinto roon ay gagawin niya basta lang makita niya at ng makapagpahinga na rin siya.
Iilan lang naman ang pinto doon kaya sigurado siyang isa lang 'yon doon. Una niyang binuksan ang pintong natapatan niya. Sinilip niya ang loob at nakita niya ang mga litrato na nakadikit sa dingding. Pati na rin ang malaking litrato ng mag-asawa na bagong kasal. So ang ibig sabihin ay iyon ang master's bedroom.
"Sorry po kung na-invade ko ang privacy niyo," hinging paumanhin niya at lumabas na. Bakit nga ba hindi niya naisip na kapag nasa unahang silid ay 'yon ang master's bedroom. Maganda lang kaso shunga.
Ibig sabihin ay iyong nasa dulo ang guestroom. Shunga talaga. Bakit ba ngayon lang niya naisip 'yon? Mahina niyang binatukan ang sarili at nagmamadaling naglakad papunta sa dulong silid.
Sa pag-aakalang 'yon ang guestroom ay walang pagbababala niya 'yong binuksan at tumambad sa kanya ang isang lalaki na nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan. Mukhang kalalabas lang nito ng banyo dahil tumutulo pa ang laylayan ng may kahabaan nitong buhok. Pero hindi 'yon ang nakaagaw ng atensyon niya kundi ang abs nito na kumikinang sa butil-butil na tubig.
Napaawang ang labi niya dahil isang perpektong kalahi ni Adan ang nasa harapan niya. Emerged... Nasa Mount Olympus yata ako! Malanding turan ng isang bahagi ng isip niya.
"Lower please?.." Wala sa sariling sabi niya habang nakatingin sa umbok na nasa pagitan ng mga hita nito.
"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Dumadagundong ang baritonong tinig na tanong nito. Pakbet! Pati boses nito ang macho!
"Miss!" Bigla siyang natauhan ng alugin siya ng lalaki. Pakiramdam niya pati utak niya ay naalog.
"H-ha? O-oo ang laki--- este ang laki kasi ng bahay niyo. Naligaw ako. Hinahanap ko kasi ang guestroom. Akala ko ito 'yon. P-pwede bang ituro mo sa'kin kung saang pinto 'yon ng hindi ako kung saan-saan pumapasok," turan niya at napapahiyang nag-iwas ng tingin.
Hindi naman nagsalita ang lalaki. Pero ramdam niya ang titig nito. Bigla tuloy siyang na-conscious sa itsura niya. Wala namang duda na maganda siya dahil mana siya sa mommy niya. 'Yon nga lang mukha siyang manyak at hayok sa T na malaki. Sino ba naman kasing hindi matutulala roon? Malaki talaga, bes!
Napalingon siya ng tumikhim ang lalaki. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Bahagya siyang napaatras nang maglakad ito palapit sa kanya.
"A-anong gagawin mo? B-bakit ka nalapit?" Nauutal na tanong niya at nagpatuloy sa pag-atras. Baka may binabalak itong masama sa kanya. Please lang, Lord, pakibilisan... Pilyang sulsol pa ng isip niya. Kung kasing gwapo at macho ba naman nito ang gagawa ng masama sa kanya ay baka hindi na siya mag-aklas.
Pero nadismaya ang dalaga nang seryoso lang siya nitong tingnan. Mayamaya ay nagsalita ito. "Iyang nasa likod mo ang guestroom, Miss. Sa susunod matuto kang kumatok lalo na kung wala ka sa bahay niyo," turan nito at hindi na hinintay ang sagot niya. Tinalikuran na siya nito at pumasok sa silid nito saka isinara ang pintuan. Narinig pa niya ang pagtunog ng lock.
********************
CHAPTER 4.
"Gwapo at yummy sana kaso ang sungit." Sa isip-isip ni Yvone nang nasa loob na siya ng inookupang silid.
Naupo siya sa gilid ng kama at inilibot ang tingin sa paligid. Medyo may kalumaan ang disenyo ng silid na 'yon pati na rin ang buong kabahayan. Nostalgic ang feels. Kung siya ang tatanungin mas gusto niya ang gano'ng disenyo ng bahay.
Inilabas niya ang telepono para kunan ng litrato ang sarili. Pagkatapos ay i-p-in-ost sa social media account niya at nilagyan ng caption na;
"I love the painting and the nostalgic feels… Love at first sight?"
#MrStranger (Heart emoji)
Napangiti siya matapos 'yon. May pagpipiyestahan na naman ang higit sa limampung libo niyang followers. May double meaning kasi ang post niya. Bigla siyang natigilan. Hindi naman siguro makikita 'yon ng anak ni Tito Abel? Mukhang hindi ito techy kind of guy.
Tumayo siya at lumapit sa maliit na tokador na naroon. Doon nakapatong ang mga damit na tinutukoy ni Tito Abel na susuotin niya. Napansin niya agad 'yon kanina pagpasok niya. Hindi siya sanay na nanghihiram ng kahit anong gamit pero hindi na niya nagawang tumanggi dahil nahihiya siya. Hindi naman sa nag-iinarte hindi lang talaga siya nasanay.
Mukha namang may taste ang pamangkin na tinutukoy nito at halos pareho lang din sa size niya. Short sleeve blue floral dress iyon na above the knee ang haba. Bukod pa ro'n ay may mga sleepwear rin. Kumuha siya ng isang pares ng pantulog at pumasok na sa banyo. Mayamaya pa ay lumabas rin siya at saktong nagtatawag na ang Tito Abel niya para sa hapunan.
Pagdating sa dining area ay naabutan niyang naroon na ang lahat. Nakaupo na ang mga ito sa ten seater dining table. Natigil siya sa paglapit at nagdadalawang isip kung saan pupwesto. Napakalawak no'n pero tila ba litong-lito siya. Magkatabi ang daddy niya at ang amigo nito habang nasa kabilang bahagi naman si "Gwangit" short for gwapong masungit.
Huminga ng malalim si Yvone saka nagpatuloy sa paglapit. Tila yata sinusubok ang kagandahan niya. Sa isip ay nag-flip hair pa siya. Akmang uupo na siya sa tabi ng ama nang pigilan siya nito.
"Hija, doon ka na lang maupo sa tabi ni Logan para naman magkakilala kayong dalawa,"
Great! Sa lahat ng suggestion ng ama sa sinabi nito siya tuwang-tuwa. Pero hindi siya nagpahalata. Mayuming dalaga lang kunwari.
"S-sige po," kiming tugon niya at lumiban sa kabilang bahagi. Ni hindi man lang nag-angat ng tingin ang lalaki at tuloy-tuloy sa pagkain.
"Logan meet Yvone. She's your Uncle's second born. She's also the CEO of their company," pakilala ni Tito Abel sa kanila.
Tumikhim siya at tipid itong nginitian. "Acting CEO palang po, Tito." Tiningnan niya ulit ang katabi at sakto naman na nag-angat ito ng tingin para sulyapan siya. Inilahad niya ang kamay rito habang abot-tainga ang ngiti.
"Glad to formally meet you," anito at tinanggap ang palad niya. Tila ba may nahimigan siyang sarkasmo sa tono nito. Saka niya naalala iyong nangyari kanina. Alanganin siyang ngumiti matapos bawiin ang palad.
Itinuon niya ang tingin sa harapan at kumuha na ng pagkain. Hindi niya maintindihan ang sarili. Para siyang teenager na kinikilig matapos niyang mahawakan ang palad nito. Mainit at malambot ang mga iyon. Para pa ngang natutukso siyang amuyin para malaman kung ano ang amoy nito. Though, she can smell his fresh scent because he just got out of the shower.
Pasimple niyang sinulyapan ang binata na nasa tabi. Tahimik pa rin itong nakatingin sa pagkain. "I-i just want to apologize for what happened upstairs," halos pabulong na sabi niya para hindi marinig ng dalawang matanda ang sinasabi niya.
Napatingin sa kanya si Logan. Tila ba nagulat ito at seryoso ang malamlam nitong mga mata na nakatitig sa kanya. Pati ang pagnguya nito ay natigil rin. Lumipas pa ang ilang segundo bago ito gumalaw at muling ngumuya. Tila naman napahiya siya sa kawalan ng response nito at ibinalik na lang ang tingin sa platong nasa harapan niya. Ganoon ba kasama ang nagawa niya para hindi nito i-acknowledge ang paghingi niya ng sorry?
Napalingon siya ng tumikhim si Logan at nakita niya ang pagkibit ng balikat nito. "Al right," anito. Pagkaraan ay tumayo na ito at nagpaalam sa kanila.
"Logan, iho, sandali." Si Tito Abel 'yon. "Bakit hindi mo isama si Yvone sa balkonahe at magkuwentuhan kayo? Tutal ay maaga pa naman," suhestiyon nito.
Napatingin ito sa kanya at pagkaraan ay sa ama nito. May nabanaagan siyang hesitation sa mukha nito kaya't tumikhim siya para kunin ang atensyon ng una. "There's no need to do that, Tito. B-baka may gagawin pa ho ang anak niyo at—"
"Maghihintay ako sa balcony," turan nito bago pa niya matapos ang sasabihin at tuluyan na silang tinalikuran nito.
Marahan niyang itinikom ang bibig at tinapos na ang pagkain. Hindi naman sa excited siya pero parang gano'n na nga. Gusto niyang kurutin ang singit dahil sa nararamdaman. Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng mga estrangherong pakiramdam na 'yon pero para bang natutuwa siya na hindi niya malaman.
"Nasaan na si Gwangit?" Kunot ang noong tanong ni Yvone habang inililibot ang tingin sa balcony. May kape siyang napansin na nakapatong sa ibabaw ng wooden table pero wala ang lalaki.
Naupo na siya at saka niya napansin ang maliit na liwanag na nagmumula sa sulok. Sinanay pa niya ang mga mata sa dilim saka niya naaninag na nagmumula ang liwanag sa telepono at si Logan ang may hawak no'n. Mukhang may kinakausap ito.
"Mukhang magiging palamuti lang pala ako rito," wika niya sa sarili at ibinaling sa iba ang tingin. E-enjoy-in na lang niya ang kape at ang ingay ng mga panggabing insekto.
"So what's our topic?" Muntik pa niyang maitapon ang kapeng nasa baso matapos mapapitlag sa malalim na boses ng lalaki. Hindi niya namalayan ang paglapit nito. Naupo ito sa tapat niya at inilapag ang telepono sa mesa.
"I-i don't know. Should we have a topic?" Kibit ang balikat na tanong niya. She tried to calm herself dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya sa titig nito.
"Yeah, we should. So they will think we get along well with each other." Blunt na turan nito.
Muntik na siyang mapangiwi sa hayagang pagpapakita nito ng kawalang interes sa kanya. Inisang lagok niya ang kapeng nasa tasa at malakas na inilapag sa mesa. Tumayo siya at nginisihan ito. "You should just turn your dad down earlier instead of fooling him. It's fine if you don't want to talk to me. You don't need to be rude." Pagkasabi no'n ay iniwan na niya ito.
Nawala ang lahat ng kilig na nararamdaman niya dahil sa ginawa nito. Nagpupuyos ang damdamin niya at parang gusto niya itong tirisin. Hindi lang pala ito masungit bastos pa. Fake lang pala ang kabaitan na ipinakita nito kanina sa hapag.
Yvone shrieked when she reached her room. It's the first time that a guy ignored her.